Mag-asawa sa viral video na minura at nilait ng doktor sa away kalsada, dumulog na kay Tulfo

Mag-asawa sa viral video na minura at nilait ng doktor sa away kalsada, dumulog na kay Tulfo

- Dumulog na kay Raffy Tulfo ang mag-asawang di umano'y minura, sinigawan at nilait ng isang lalaki na nakaalitan nila sa daan

- Napag-alamang isa palang doktor ang lalaki na ikinabahala ni Raffy Tulfo

- Maari raw kasing madala ng lalaking ito ang init ng ulo sa ospital na posibleng ikapahamak pa ng kanyang pasyente

- Maari raw matanggalan ng driver's license ang doktor at maging ang lisensya nito sa pagiging doktor

- Hindi rin daw hahayaan pa ni Tulfo na makapagtrabaho pa ito bilang surgeon dahil sa pinakitang ugali di lamang isang beses

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lumapit na kay Raffy Tulfo ang mag-asawa na di umano'y nilait at minura ng isang lalaki na naka-engkuwentro nila sa kalsada.

Mabilis na nag-viral ang video na binahagi ng misis ng driver na si Merly Paredes, kung saan kitang-kita ang pagsigaw, pagmumura at panghahamak ng lalaking nakilalang si Tomas Joaquin Mendez.

Ang nagpalala pa umano sa kanyang ginawa, nakuha pa niyang batuhin ang sasakyan ng mister ni Merly na si Santiago Paredes. Kasama pa nila ng mga oras na iyon ang kanilang pamilya dahil kagagaling lamang nila sa pamamasyal.

Ayon kay Raffy Tulfo, napag-alaman nilang isa pa lang doktor si Mendez sa Diliman Doctor's Hospital.

Isa sa aksyon na maari nilang gawin ay patanggalan na ng driver's license ang doktor dahil sa di umano'y road rage na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang isa pang hakbang ay ang patanggalan na rin siya ng lisensya bilang doktor dahil lubhang mapanganib sa kanyang mga pasyente ang ipinakitang pagiging mainitin ng ulo.

Tinitingnan din ang anggulo na maaring sampahan ito ng kasong pang-aabuso ng bata dahil sa may mga kasamang mga anak ang mag-asawa. Ang isa kasi rito na katabi ng ama nang mangyari ang insidente ay labis na nag-iiyak habang kinukunan ng video ang pangyayari.

Nangako si Tulfo na tutulungan ang mag-asawang Paredes at sisiguraduhin maaaksyunan ito para di na muling makaulit ang doktor na ito na dalawang beses nang nakunan ng video ang pagwawala.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel