Wedding pictures, binigyan ng kakaibang "bihis" ng bride, groom at mga abay

Wedding pictures, binigyan ng kakaibang "bihis" ng bride, groom at mga abay

- Mabilis na nagviral sa social media ang gimmick ng isang bride at groom nito para sa kanilang wedding pictures

- Sa mga larawang ibinahagi ng kanilang photographer, nagpalit-bihis ang bride at ang mga bridesmaids nito at ang groom at mga groomsmen nito

- Game na game naman ang lahat sa kakaibang wedding photoshoot

- Samantala, bentang-benta naman sa mga netizens ang twist na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wedding pictures na may twist! Ito ang gimmick ng isang couple na ibinida pa sa social media at ngayon ay viral na.

Sa mga larawang ibinahagi ng photographer na si Glenn Jubs, benta sa mga netizens ang naiiba ngunit nakakaaliw na wedding pictures ng couple na sina Lomel & Kirly Cane.

Sa halip na kasi na ang bride at ang mga bridesmaids nito ang nakaroba ay ang groom at ang mga groomsmen nito ang nakasuot nito.

Habang ang bride naman ay nakasuot ng puting polo at may kurbata pa at ang mga abay naman nito ay nakasuot ng boxer shorts with matching bow ties.

Ang mas nakakatuwa dito ay todo emote pa ang mga ito na siyang nagbigay ng nakaaliw na vibes sa mga larawan.

Umani naman ng samu't saring reaksyon ang twist na ito sa wedding pictures nina Lomel at Kirly.

Marami ang nagsabi na nagustuhan nila ang concept ng dalawa na siyempre pa ay katulong ang kanilang buong team.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel