Sikat na YouTuber, hindi inaasahang biglang namatay sa edad na 27
- Pumanaw na si YouTuber Jan Zimmermann sa edad na 27
- Ang pamilya niya ang nagkumpirma na bigla siyang namatay dahil sa epileptic attack
- Pinuri ng kanyang mga mahal sa buhay ang kabutihan, tapang, at pagiging bukas-loob niya
- Kilala siya sa paggawa ng videos tungkol sa pamumuhay na may Tourette’s Syndrome
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Instagram
Pumanaw si YouTuber Jan Zimmermann sa edad na 27. Ayon sa pamilya niya, bigla at hindi inaasahan ang pagpanaw niya noong Nobyembre 18 dahil sa epileptic attack.
Sinabi nilang wala silang sapat na salita para ilarawan ang sakit na nararamdaman nila, pero nagpasalamat sila sa lahat ng nagpadala ng pakikiramay.
Idinugtong pa nila na hindi pa nila kayang magbahagi ng mas maraming detalye sa ngayon.
Inalala ng pamilya kung paano nagbigay ng saya si Jan sa pamamagitan ng kanyang humor, honesty, at malaking puso.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami raw siyang nabigyan ng tapang, kahit ang mga taong hindi niya nakilala nang personal.
Ipinakita niya na kahit sa mahirap na araw, posible pa ring maglakad sa buhay nang may pagmamahal at pagiging bukas sa iba.
May Tourette’s Syndrome si Jan, isang neurological disorder na nagdudulot ng biglaang paggalaw o vocal tics.
Sa YouTube channel na Gewitter im Kopf, kasama niya ang kaibigan niyang si Tim Lehmann.
Nag-upload sila ng magagaan at educational na videos tungkol sa pamumuhay na may Tourette’s.
Umabot sa higit 2 milyon ang kanilang subscribers at marami ang natulungan at napasaya nila sa kanilang content.
Ang Tourette syndrome ay isang kondisyon sa utak na nagdudulot ng biglaang paggalaw o pagbigkas na hindi kayang kontrolin ng isang tao.
Tinatawag itong tics, at maaaring pagkurap, pag-iling ng ulo, pag-ubo, o paglabas ng maikling salita o tunog.
Nagsisimula ito kadalasan sa pagkabata at maaaring lumala o humupa habang lumalaki ang isang tao.
Hindi ito nakahahawa at hindi kasalanan ng may sakit.
Maraming tao na may Tourette ang namumuhay nang normal at natututo kung paano pamahalaan ang kanilang tics sa tulong ng gamot, therapy, at suporta ng pamilya.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

