Mister, dinemanda si misis matapos tumanggi na i-donate ang atay para sagipin siya

Mister, dinemanda si misis matapos tumanggi na i-donate ang atay para sagipin siya

  • Isang lalaki sa South Korea ang nagsampa ng kaso at humiwalay sa asawa matapos tumanggi sa organ donation
  • Kailangan ng lalaki ng liver transplant dahil sa bihirang sakit sa atay
  • Lumabas sa tests na ang asawa ay akmang donor ngunit tumanggi pa rin sa operasyon
  • Kumampi ang korte sa asawa at sinabing hindi maaaring pilitin ang organ donation
cottonbro studio on Pexels
cottonbro studio on Pexels
Source: Original

Isang lalaki sa South Korea ang nagsampa ng kaso laban sa kanyang asawa at kalaunan ay nakipaghiwalay matapos tumanggi ang babae na mag-donate ng bahagi ng kanyang atay.

Iniulat ng South China Morning Post ang naturang kaso.

Ayon sa ulat, kinasuhan ng lalaki ang kanyang asawa dahil sa umano’y malicious abandonment.

Nangyari ito matapos tumanggi ang babae na sumailalim sa operasyon para makatulong sa gamutan ng kanyang mister.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Na-diagnose ang lalaki ng primary biliary cirrhosis, isang bihirang sakit sa atay.

Sinabihan siya ng mga doktor na kailangan niya ng transplant at may isang taon na lamang siyang mabubuhay kung walang donor.

Read also

Kargador sa Divi, viral nang maging instant reporter ng ABS-CBN

Upang matustusan ang gastos, ibinenta ng mga magulang ng lalaki ang kanilang bahay.

Habang naka-confine, inalagaan naman siya ng kanyang asawa sa ospital.

Lumabas sa medical tests na lampas 95 porsiyento ang compatibility ng asawa bilang donor.

Gayunman, tumanggi ang babae at sinabi sa mga doktor at pamilya na may matinding takot siya sa karayom at matutulis na bagay.

Dahil dito, nagalit ang lalaki at inakusahan ang asawa na pinababayaan siya.

Kalaunan, nagkaroon pa rin ng matagumpay na liver transplant matapos makahanap ng donor mula sa isang brain-dead na pasyente.

Nang siyasatin ng lalaki ang dahilan ng kanyang asawa, nalaman niyang dati na itong naoperahan at sumailalim sa blood tests nang walang problema.

Aminado ang babae na palusot lamang ang unang dahilan.

Aniya, takot siya sa panganib ng operasyon at nag-aalala para sa kanilang dalawang anak kung may mangyari sa kanya.

Nagpasya ang korte na paboran ang asawa.

Ayon sa desisyon, personal na desisyon ang organ donation at hindi maaaring ipilit kahit sa mag-asawa.

Read also

Isang pasahero, inaresto matapos subukang buksan ang pintuan ng eroplano habang ito'y nasa ere

Binanggit din ang pamimilit at masasakit na salita ng lalaki bilang dahilan ng pagkasira ng kanilang relasyon.

Nagkasundo ang dalawa na magdiborsyo. Mananatili sa ina ang kustodiya ng mga anak, habang patuloy pa rin siyang tutulong sa gastusin sa paggaling ng dating asawa.

Tatlong taon silang kasal at nasa early 30s ang mag-asawa.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

2 bangkay, natagpuan sa loob ng mansion ng isang sikat na direktor

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: