Reporter, napahinto sa pag-uulat para matulungan ang mga lumilikas na Ukrainian
- Napahinto ang isang CNN reporter sa pag-uulat para matulungan ang mga lumilikas na Ukainiran
- Habang ipinakikita niya ang kasalukuyang sitwasyon sa Kyiv, hindi niya napigilang huminto at tulungan ang isang lola na may dalang bag
- Kitang-kita umano ang pagkabalisa ng mga ito habang sila ay lumilikas upang mahanap ang kanyang kaligtasan
- Matatandaang Pebrero 24 nang sumiklab ang paglusob ng Russia sa bansang Ukraine
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Talagang napahinto ang CNN reporter na si Clarissa Ward habang siya ay nag-uulat para matulungan ang mga nagsisilikas na Ukainian.
Nalaman ng KAMI na kasalukuyan noong nag-uulat si Clarissa patungkol sa mga nangyayari sa Kyiv nang hindi nito mapigilang alalayan at tulungan ang mga nakatatandang lumilikas.
Kapansin-pansin ang pagkabalisa ng mga ito at mga matang nababalot ng takot. Kaya naman nilapitan na ni Clarissa ang isa sa mga ito upang kumustahin at tulungan na rin sa dalang gamit.
"I'm just gonna help her carry this bag, excuse me John," ang nasabi ng reporter sa kanyang cameraman na patuloy naman siyang kinukunan habang inaalalayan ang mga nakatatanda na umaahon pa sa napinsalang lugar.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang Pebrero 24 nang tuluyan nang lusubin ng Russia ang Ukraine. Ilan sa mga kababayan nating Pinoy ang mga nakalikas at habang ang ilan naman ay hindi basta makaalis gayung hindi nila makakasama ang ang kanilang mga asawang Ukrainian.
Isa na rito ang kababayan nating si Rhea Rose Ramos Taibova na lakas loob umanong nagsusumamo sa presidente ng Ukraine na si Volodymyr Zelenskyy na pahintulutan ang mga kalalakihan doon na magdesisyon kung nais ng mga ito na lumikas na para sa kaligtasan na rin ng kani-kanilang pamilya.
Matatandaang kamakailan ay inanunsyo ng pangulo ng Ukraine na si Volodymyr Zelenskyy na hindi maaring makaalis ng bansa ang mga lalaking may edad 18-60.
Dahil dito, gustuhin mang umalis ni Rhea, hindi naman makakasama ang kanyang mister.
Kaya naman ganoon na lamang ang pakiusap niyang pahintulutan ni Pangulong Zelenskyy ang tulad ng kanyang mister na nais na makasama ang pamilya sa paglikas at makaiwas sa kaguluhang nagaganap ngayon lalo na sa Kyiv sa Ukraine.
Gayunpaman, laking pasasalamat pa rin ni Rhea na makalipas ang ilang araw ng patuloy na kaguluhan doon, ligtas pa rin siya at kanyang pamilya.
Source: KAMI.com.gh