Pinay sa Ukraine, nakiusap sa kanilang pangulo; "Let those men with families leave"
- Lakas-loob na nanawagan ang Pinay na si Rhea Rhose Ramos Taibova sa pangulo ng bansang Ukraine
- Kasalukuyang nasa Ukraine si Rhea kasama ang anak at asawang Ukrainian na hindi pinahintulutang makaalis kasama sana nila
- Sa kanyang post, nakiusap ito kay President Volodymyr Zelenskyy na hayaan umanong magdesisyon ang mga pamilyadong lalaki patungkol sa pagsanib nito sa pwersa ng kanilang bansa laban sa Russia
- Aniya, marami naman umanong handang ipaglaban ang bansa subalit mayroon namang mga nais na lumikas para na rin mailigtas ang kanilang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Lakas-loob nang nanawagan at nakiusap ang Pinay na si Rhea Rhose Ramos Taibova sa pangulo ng bansang Ukraine.
Nalaman ng KAMI na kasalukuyang naroon si Rhea kasama pa rin ang kanyang sanggol at asawang si Lego na isang Ukrainian.
Matatandaang kamakailan ay inanunsyo ng pangulo ng Ukraine na si Volodymyr Zelenskyy na hindi maaring makaalis ng bansa ang mga lalaking may edad 18-60.
Dahil dito, gustuhin mang umalis ni Rhea, hindi naman makakasama ang kanyang mister.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kaya naman ganoon na lamang ang pagsusumamo niyang pahintulutan ni Pangulong Zelenskyy ang tulad ng kanyang mister na nais na lamang sanang lumikas para sa kaligtasan ng kanyang pamilya.
Narito ang kabuuan ng kanyang pakiusap sa pangulo ng Ukraine.
Matatandaang si Rhea ang unang naiulat ng KAMI na nakapanayam umano ng SMNI News at nagbahagi ng kanilang kalagayan sa Ukraine sa mga unang araw ng pagsalakay ng Russia sa kanila.
Naikwento ni Rhea na nakaalis sila sa Kyiv at kasalukuyang naninirahan sa bahay ng mga magulang ng mister, tatlong oras mula sa nasabing lungsod.
May pagkakataon din umanong nagtutungo sila sa basement ng kanilang tinutuluyan para masigurong mas ligtas sila lalo na at mayroon siyang baby na pinoprotektahan.
Sa kanyang update, 11 araw mula nang sumiklab ang kaguluhan sa Ukraine, laking pasalamat umano niyang ligtas pa rin ang kanilang pamilya.
Subalit hindi niya umano maipagkakaila na palala nang palala ang sitwasyon doon. Sa kasamaang palad, gustuhin man niyang umalis sa anumang paraang pwede, hindi naman niya kayang maiwan ang Ukrainian na mister na hindi mapahihintulutang lumikas kaya pakiusap niyang ibahagi ang naturang post niya bilang pakiusap sa kanilang pangulo.
Source: KAMI.com.gh