
Philippine News







Isa sa nakikitang dahilan ng cancer sa mga Pinoy ang labis na pagkain ng mga inihaw. Nagdudulot daw ito ng carcinogens dahil sa chemical reaction na nagaganap habang iniihaw ang pagkain partikular na ang taba ng baboy at baka.

Nananawagan ng tulong ang isang binata sa Oriental Mindoro para maipatanggal ang kanyang matris. Kinumpirma kasi ng isang espesyalista na mayroon itong matris kahit isa itong tunay na lalaki.

Nakita sa isang CCTV footage ang nakakikilabot na pangunguha ng puting van ng mga taong kanilang bibiktimahin. Kamakailan lamang ay naalarma na ang Pasay City sa sunod-sunod na pagkawala ng mga residente nila.

Patay ang isang dalaga sa Valenzuela City matapos itong pagsasaksakin ng kanyang dating nobyo. Ayon sa pulisya, nagtamo ang biktima ng mahigit 20 saksak at halata raw na may intensyong patayin ito.

Nagpahayag ng paghanga ang batikang mamamahayag na si Raffy Tulfo para kay Pasig City Mayor Vico Sotto. Kaugnay ito ng pagtulong ni Mayor Sotto sa ilang manggagawa na inaresto matapos mag-strike laban sa isang kompanya.

Ilang residente sa Magsaysay, Davao del Sur ang nakaranas daw ng pag-atake ng "wakwak" o isang uri ng Philippine mythical creature. Ayon sa isang residente, nakita raw niya ang isang malaking itim na ibon at may mga pulang mata.

Pinayagan na ni Manila Mayor Isko Moreno na magbalik sa Divisoria ang mga street vendors sa lugar. Natuwa ang mga dating nakapwesto roon at malaking bagay daw ito sa kanila lalo na at magpapasko.

Natagpuang tadtad ng saksak at wala ng buhay ang estudyanteng naghahanda raw para sa board exam sa isang budget hotel sa Maynila. Ayon sa ulat, lumuwas sa Maynila ang estudyante mula sa Mindanao noong July 2019.

Nabanggit ng kilalang Mayor ng Maynila ang pagpapagawa niya ng pabahay para sa mahihirap na walang maayos na matirahan sa lungsod. Kung dati'y limang palapag lamang ang plano, ngayon ay 14 palapag na ito.
Philippine News
Load more