5 taong gulang na nasawi sa NAIA tragedy, tatlong linggo lang nakasama ng amang OFW
- Tatlong linggo lamang umano nakasama ng amang OFW ang anak na nasawi sa NAIA tragedy
- Ayon sa kaanak ng biktima, sanggol pa lang ito nang umalis ang ama para magtrabaho sa ibang bansa
- Makikita sa ilang video ang panaghoy ng ama nang maganap ang malagim na trahedya
- Ayon din sa ulat, tulala at halos hindi na makapagsalita ang ama sa sinapit ng kanyang nag-iisang anak
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Tunay na kalunos-lunos ang sinapit ng isang limang taong gulang na batang babae na naghatid lang sana sa amang OFW sa NAIA terminal 1.

Source: Facebook
Ito ay dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, isang SUV ang humarurot at umararo sa mga tao sa nasabing lugar.Ito ay dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, isang SUV ang humarurot at umararo sa mga tao sa nasabing lugar.
Sa ulat ni Dennis Datu ng TV Patrol, tulala at hindi na halos makapagsalita ang ama sa sinapit ng kanyang kaisa-isang anak.

Read also
Jean Garcia, 11 years nang single by choice: “Kung hindi ko rin lang mahahanap ‘yung para sa akin…”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa panayam din sa kaanak ng biktima, naikwento nitong tatlong linggo pa lamang nakasama ng ama ang nasawing anak gayung sanggol pa lamang ito nang unang umalis ang ama upang magtrabaho sa ibang bansa.
"Yung bata ay ngayon pa lang nakasama ng tatay. Dahil nung bago siya sumakay, ay maliit pa yung bata parang wala pang muwang, wala pang malay. Ngayon ay nangyari nga, hindi inaasahang pangyayari. Talagang napakahirap, napakahirap ding tanggapin," ayon sa kaanak na si Randy Balog sa panayam sa kanya ng ABS-CBN.
Nailipat na ng ospital ang ina ng bata na malubha rin ang lagay gayundin ang biyenan nito na pawang magkakasama sa paghahatid sa OFW.
Narito ang kabuuan ng ulat:
Matatandaang kamakailan lamang, isa ring trahedya ang naganap sa SCTEX kung saan mag-asawa ang nasawi subalit nakaligtas ang kanilang dalawang taong gulang na anak. Nadurog ang puso ng marami nang malamang hinahanap pa rin ng anak ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina. Magbabakasyon lang sana sa Baguio ang mag-anak nang maganap ang malagim na trahedya.

Read also
Alicia Alonzo, pinili ang buhay sa monasteryo: "Goal ko lang, sana makarating ako sa langit"
Isa rin dito Elmer Añonuevo na umano'y nawalan ng asawa at bunsong anak matapos ang isang trahedyang banggaan ng maraming sasakyan malapit sa SCTEX Exit sa Lungsod ng Tarlac. Ibinahagi ni Elmer ang isang napakasakit na alaala bago ang biyahe ng kanyang anak, kung saan sinabi nito sa kanya: “Papa, tatawag ka sa 'kin ha. 'Pag hindi, ako tatawag sa iyo.” Lubos ang hinagpis ni Elmer habang inaalala ang mga huling salitang binitiwan ng kanyang anak: “Love na love kita, Papa. Kahit ano'ng mangyari, hindi kita iiwan.”Hindi maitago ni Elmer ang kanyang matinding kalungkutan sa pagkawala ng kanyang anak, sabay sabing: “Ngayon, hindi ko na alam paanong gagawin ko. Nauna pa siya sa 'kin.”
Tinatayang 12 ang nasawi sa karambola ng 3 SUV, isang container truck at isang Solid North na pampasaherong bus sa SCTEX habang 28 naman ang lubhang nasugatan. Sinasabing umamin ang driver ng pampasaherong bus na siya ay nakaidlip habang nagmamaneho. Dahil dito, marami ang nagdadalamhati at naulila ng mga nasawi sa nasabing nangyari. Pinatawan na ng 30 araw na suspensyon ng LTFRB ang buong fleet ng Pangasinan Solid North kaugnay sa nangyaring trahedya sa SCTEX.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh