Ama ng 5 taong gulang na nasawi sa trahedya sa NAIA, umano'y tulala at hindi makausap
- Hindi na tuluyang nakaalis ang amang OFW ng limang taong gulang na nasawi sa trahedya sa NAIA
- Inihatid lamang umano siya ng kanyang mag-ina, at kaanak nang mangyari ang malagim na kaganapan
- Hindi makausap gayung hindi halos makapagsalita ang ama na tulala sa nangyari
- Ayon sa kaanak ng biktima, tatlong linggo pa lamang nakasama ng ama ang nasawing anak gayung maliit pa lamang ito nang umalis para magtrabaho sa ibang bansa
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Tulala at hindi makausap ang ama ng limang taong gulang na bata sa trahedyang naganap sa NAIA terminal 1 ngayong Mayo 4.

Source: Facebook
Sa ulat ni Dennis Datu ng TV Patrol, sinabing nailipat na sa St. Lukes hospital ang ina ng bata at biyenan nitong malubhang nasugatan.
Ayon sa kaanak ng biktima na si Randy Balog, tatlong linggo pa lamang nakasama ng ama ang nasawing anak.
"'Yung bata ay ngayon pa lang nakasama ng tatay. Dahil nung bago siya sumakay, ay maliit pa yung bata parang wala pang muwang, wala pang malay. Ngayon ay nangyari nga, hindi inaasahang pangyayari. Talagang napakahirap, napakahirap ding tanggapin."

Read also
Jean Garcia, 11 years nang single by choice: “Kung hindi ko rin lang mahahanap ‘yung para sa akin…”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi na rin tuluyang nakaalis ang ama dahil sa nangyari.
Samantala, sa mga video na unang naibahagi ng ilang netizens na nakasaksi sa pangyayari, makikita ang panaghoy ng ama na walang ibang nasabi kundi "Anak ko 'yan."
Gumulantang sa publiko ang pagharurot ng isang SUV na umano'y magpa-park sa NAIA terminal 1.
Sa ilang video na nailabas, makikita kung paano umano'y naararo ng SUV ang mga taong nasa harap ng nasabing terminal.
Narito ang kabuuan ng ulat mula sa ABS-CBN News:
Matatandaang kamakailan lamang, isa ring trahedya ang naganap sa SCTEX kung saan mag-asawa ang nasawi subalit nakaligtas ang kanilang dalawang taong gulang na anak. Nadurog ang puso ng marami nang malamang hinahanap pa rin ng anak ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina. Magbabakasyon lang sana sa Baguio ang mag-anak nang maganap ang malagim na trahedya.
Nawalan ng asawa at bunsong anak si Elmer Añonuevo matapos ang isang trahedyang banggaan ng maraming sasakyan malapit sa SCTEX Exit sa Lungsod ng Tarlac. Ibinahagi ni Elmer ang isang napakasakit na alaala bago ang biyahe ng kanyang anak, kung saan sinabi nito sa kanya: “Papa, tatawag ka sa 'kin ha. 'Pag hindi, ako tatawag sa iyo.” Lubos ang hinagpis ni Elmer habang inaalala ang mga huling salitang binitiwan ng kanyang anak: “Love na love kita, Papa. Kahit ano'ng mangyari, hindi kita iiwan.”Hindi maitago ni Elmer ang kanyang matinding kalungkutan sa pagkawala ng kanyang anak, sabay sabing: “Ngayon, hindi ko na alam paanong gagawin ko. Nauna pa siya sa 'kin.”

Read also
Alicia Alonzo, pinili ang buhay sa monasteryo: "Goal ko lang, sana makarating ako sa langit"
Tinatayang 12 ang nasawi sa karambola ng 3 SUV, isang container truck at isang Solid North na pampasaherong bus sa SCTEX habang 28 naman ang lubhang nasugatan. Sinasabing umamin ang driver ng pampasaherong bus na siya ay nakaidlip. Dahil dito, marami ang nagdadalamhati at naulila ng mga nasawi sa nasabing nangyari. Pinatawan na ng 30 araw na suspensyon ng LTFRB ang buong fleet ng Pangasinan Solid North kaugnay sa nangyaring trahedya sa SCTEX.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh