Dennis Padilla, tinuldukan na umano ang ugnayan sa ilang anak: "This is a permanent goodbye"
- Tuluyan na umanong tinuldukan ni Dennis Padilla ang pakikipag-ugnayan sa mga anak niya kay Marjorie Barretto
- Ito ay matapos ang mga kaganapan sa kasal ng isa sa kanyang mga anak na si Claudia
- Matatandaang nag-post si Dennis patungkol sa 'father of the bride' na naging visitor lamang umano
- Aniya, tila sa kabaong na lamang siya makikita ng mga anak na hindi na niya bibigyan pa umano ng oras na makasama pa siya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Tila tuluyan nang sumama ang loob ni Dennis Padilla sa mga anak nito kay Marjorie Barretto.
Ito ay matapos na tila maging bisita lamang daw umano siya gayung siya ang 'father of the bride.'
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nasabi ni Dennis na napagod na umano siya sa pagsuyo sa mga anak niya kay Marjorie.
"Ayaw ko na, surrender na, finish. Tatay nalang nila ako. Pero bringing back the relationship, wala na siguro"
"Ngayon ko lang na-realize. Not one of my children even posted my picture in theis Instagram... Ni wala akong picture sa kahit anong social media nila. Ni walang mention ng pangalan ko, ng nanay ko, ng tatay ko na artista din sa kanilang social media post. As in, zero. Why?"
"Sabi nila ako yung toxic. Talaga ba?" ani Dennis na ang hinihingi lamang umano ay ang pagkalinga ng kanyang mga anak oa kahit na simpleng pagbati manlang sa mga okasyon bilang siya ang ama ng mga ito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Wala na, I'm sorry wala na. Napagod na."
"I thought hindi ako mapapagod. Akala ko hindi e. Napagod na"
"Bibitbitin ko nalang 'to hanggang mamatay ako."
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:
Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto. Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito. Patunay lamang na taon na ang binibilang ng panunuyo ni Dennis sa mga anak kay Marjorie
Gayunpaman, noong 2024 kung saan may bagong pelikula si Julia kasama si Aga Muhlach, nagsabi ng good luck si Dennis para sa anak. Katunayan, sa tuwing makakausap din siya ng press nang mga panahong iyon, isa siya sa nagpo-promote ng pelikula ng anak, bilang pagpapakita ng patuloy na pagsuporta niya sa career nito bilang isang mahusay na aktres ng kanyang henerasyon.
March 18 ng kasalukuyang taon nang maganap ang nakita ng publiko sa larawan nilang mag-aama. Marami na nga ang natuwa sa kanila dahil nagkasama-sama ulit ang mga ito na matagal nang inaasam ni Dennis. Iyon pala umano ang pagkakataong sinabi na ni Claudia ang tungkol sa pagpapakasal nila ng kanyang nobyo pa lamang noon na si Basti Lorenzo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh