4 anyos na batang babae sa Pangasinan, kinagat ng aso na positibo sa rabies

4 anyos na batang babae sa Pangasinan, kinagat ng aso na positibo sa rabies

- Isang apat na taong gulang na batang babae sa Pangasinan ang nakagat ng aso na positibo sa rabies

- Pumasok ang asong gala sa bakuran ng pamilya at sinugod ang kanilang mga alagang aso bago umatake sa bata

- Agad na dinala ang bata sa ospital para sa bakuna habang dinala naman ang ulo ng aso sa Rabies Diagnostic Laboratory para sa pagsusuri

- Nagsagawa ng anti-rabies vaccination drive at disinfection sa lugar upang maiwasan ang mga kahalintulad na insidente

Isang apat na taong gulang na batang babae mula sa Barangay Navaluan, Mangaldan, Pangasinan ang nagtamo ng anim na kagat matapos atakihin ng isang aso na may rabies. Pumasok ang aso sa kanilang bakuran at sinugod ang kanilang mga alagang hayop bago tinangkang paalisin ng pamilya.

4 anyos na batang babae sa Pangasinan, kinagat ng aso na positibo sa rabies
4 anyos na batang babae sa Pangasinan, kinagat ng aso na positibo sa rabies (📷Pexels)
Source: Facebook

Ayon sa ina ng bata, nag-away ang kanilang mga aso at ang asong gala. Sinubukan nilang paalisin ito ngunit hindi umatras. Sa gitna ng kaguluhan, nadapa ang kanyang anak at agad sinunggaban ng aso.

Read also

Dalawang bata nakuryente habang nagpapalipad ng saranggola sa Cagayan de Oro

“Nadapa ang anak ko, doon siya dinaganan ng aso, kinagat sa likod ng leeg at sa likod, anim ang kagat ng anak ko,” pahayag ng ina.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad dinala ang bata sa ospital para sa bakuna laban sa rabies. Samantala, dinala ng mga awtoridad ang ulo ng aso sa Rabies Diagnostic Laboratory (RDL) sa Sta. Barbara, Pangasinan para sa pagsusuri. Kinumpirma ng resulta na positibo ito sa rabies.

“Worried po ‘yung magulang, isa-submit po talaga sa RDL sa Sta. Barbara… nakatanggap kami ng email... confirmed na po talaga ‘yun kaya confidential siya,” ayon kay Dr. Wilino Zacarias mula sa Municipal Agriculture Office.

Kasunod ng insidente, nagsagawa ng anti-rabies vaccination drive ang Municipal Agriculture Office sa Purok 6, Barangay Navaluan. Nagpatupad din ng disinfection gamit ang chlorine ang Mangaldan Sanitary Inspection Office sa bahay ng biktima.

Bagama’t ligtas na ang bata, patuloy pa rin ang paalala ng mga opisyal sa mga may-ari ng alagang hayop na maging responsable.

Read also

Sen. Bong Revilla, nagpasalamat sa Sto. Niño matapos makaligtas sa helicopter emergency landing

“Hinigpitan ko talaga, palagi naming sinasabihan ang mga taga-barangay na itali nila ang mga aso nila,” ayon kay Barangay Navaluan Chairperson Francis Lopez.

Nanawagan naman ang mga awtoridad sa publiko na sumunod sa lokal na ordinansa na nag-aatas sa mga pet owners na itali o ikulong ang kanilang mga alaga upang maiwasan ang ganitong insidente.

Ang rabies ay isang nakamamatay na sakit na dulot ng rabies virus na karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng kagat, kalmot, o laway ng hayop na may rabies, partikular ng aso. Kapag lumitaw na ang mga sintomas ng rabies, halos palaging nauuwi ito sa pagkamatay.

Ayon sa Department of Health (DOH), mahigit 200 kaso ng rabies ang naitatala kada taon sa Pilipinas, kung saan karamihan sa mga biktima ay mga bata. Sa kabila ng pagiging preventable disease sa pamamagitan ng bakuna, nananatiling mataas ang insidente ng rabies sa bansa dahil sa kawalan ng kaalaman, kakulangan sa bakuna, at hindi agad na pagpapatingin ng mga nakagat ng hayop. Upang maiwasan ang pagkalat ng sakit, isinusulong ng gobyerno ang responsableng pag-aalaga ng hayop, libreng anti-rabies vaccination, at tamang pag-uugali kapag nakagat ng aso o pusa.

Read also

Goldilocks, nagsalita matapos ang reklamo ng customer na tagasuporta ni FPRRD

Isang 35-anyos na babae sa Davao del Sur ang namatay matapos makagat ng kanilang alagang aso na kalaunan ay nagpositibo sa rabies. Ayon sa pamilya, hindi agad ito nagpabakuna at lumala ang kondisyon nito hanggang sa mamatay.

Isang magsasaka sa Nueva Ecija ang pumanaw matapos makagat ng aso at hindi agad nabakunahan laban sa rabies. Kinumpirma ng Municipal Health Office na ang sanhi ng pagkamatay ay rabies matapos lumabas ang resulta ng pagsusuri.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate