Magsasaka sa Quezon, patay matapos tagain ng 83-anyos na kapitbahay dahil sa ingay
- Halos mapugutan ng ulo at agad na namatay ang magsasakang si Ronnel Llamado Sipocot matapos tagain ng kanyang 83-anyos na kapitbahay sa Barangay Villa Espina, Lopez, Quezon
- Tinaga ng suspek na si alyas “Gregorio” ang biktima sa batok gamit ang gulok habang abala ito sa pagsasalansan ng dahon ng buli
- Naaresto ng Lopez Municipal Police Station ang suspek at nabawi ang itak na ginamit sa krimen
- Inamin ng suspek na naingayan siya sa ginagawa ng biktima kaya sa matinding galit ay kanyang tinaga ito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Halos mapugutan ng ulo at agad na namatay ang isang magsasaka matapos tagain ng kanyang 83-anyos na kapitbahay sa Barangay Villa Espina, Lopez, Quezon noong umaga ng Sabado.

Source: Facebook
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronnel Llamado Sipocot, 31, may live-in partner at residente ng nasabing lugar, habang naaresto naman ang suspek na kinilalang si alyas “Gregorio,” 83-anyos.
Ayon sa salaysay ng kapatid ng biktima sa pulisya, bandang alas-8:30 ng umaga habang abala si Sipocot sa pagsasalansan ng mga dahon ng buli na balak niyang ibenta, bigla na lamang siyang nilapitan ng matandang suspek mula sa likuran at walang sabi-sabing tinaga sa batok gamit ang isang gulok na may habang 20 pulgada.
Dahil sa lakas ng tama ng itak, halos maputol ang ulo ng biktima na agad niyang ikinamatay sa mismong lugar ng insidente. Naaresto naman ng mga rumespondeng pulis mula sa Lopez Municipal Police Station ang suspek at narekober ang gulok na ginamit sa krimen.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa imbestigasyon, inamin ni alyas “Gregorio” na nagawa niyang tagain si Sipocot dahil umano sa matinding inis dulot ng ingay habang isinasalansan nito ang mga dahon ng buli. “Naingayan ako sa ginagawa niya, kaya sa galit ko, tinaga ko siya,” pahayag ng suspek sa mga awtoridad.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang insidente habang nakadetine ang suspek at nahaharap sa kasong murder.
Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.
Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.
Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral. Marami umano ang nai-inspire kapag nalalaman ang kwento ng kanyang buhay .Isang lalaki ang natagpuang patay sa tabing-ilog matapos saksakin at gilitan ng isang 40-anyos na lalaki sa Barangay Catmondaan, Catmon, Cebu. Ayon sa ulat ng Brigada News FM Cebu noong Martes, Marso 4, 2025, matagal na umanong may alitan ang dalawa, na nauwi sa madugong insidente.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh