Whamos, pumalag sa humamon sa kanya na ipa-DNA test ang kanyang anak

Whamos, pumalag sa humamon sa kanya na ipa-DNA test ang kanyang anak

  • Matapang na sinagot ni Whamos Cruz ang hamon ng DNA test para sa kanyang anak na si Baby Meteor
  • Ipinagdasal niyang hindi maging kamukha ng kanyang anak upang maiwasan ang panglalait ng bashers
  • Ipinagmamalaki niyang lumaking gwapo, matalino, at mabait ang kanyang anak, pati na rin ang kagandahan ng kanyang asawa
  • Nagbigay siya ng mensahe ng pagpapala sa kanyang bashers kahit patuloy siyang nakakatanggap ng panglalait

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi pinalampas ng social media personality na si Whamos Cruz ang hamon ng ilang netizens na ipa-DNA test ang kanyang anak na si Baby Meteor. Sa isang matapang na pahayag, diretsahang sinabi ni Whamos na handa siyang sumailalim sa DNA test, ngunit may kundisyon siya sa naghamon.

Whamos, pumalag sa humamon sa kanya na ipa-DNA test ang kanyang anak
Whamos, pumalag sa humamon sa kanya na ipa-DNA test ang kanyang anak (PHOTO: Whamoscruz/Facebook)
Source: Facebook

"Papalagan kita jan sa DNA basta kapag tugma DNA namin papakulong kita payag ka?" ani Whamos sa kanyang social media post.

Idinagdag din niyang mula pa lamang sa pagbubuntis ng kanyang partner na si Antonette Gail ay ipinagdasal na niyang hindi maging kamukha ang kanyang anak upang hindi ito makaranas ng panglalait mula sa mga bashers.

Read also

2 anyos na bata, patay dahil umano'y pagpapakain ng magulang ng spicy sauce at alcoholic drink

"Sinabi ko na sa inyo una pa lang na nasa tiyan pa lang ang anak ko na si Baby Meteor, pinagdasal ko na hindi maging kamukha dahil ayoko makaranas anak ko sa pangbabash nyo na katulad ng panlalait nyo sa itsura ko," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila nito, ipinagmamalaki ni Whamos na lumaking gwapo, matalino, at mabait ang kanyang anak, at masaya rin siya sa kanyang asawa. Hindi rin niya nakalimutang magbigay ng mensahe sa kanyang mga bashers.

"Swerte na lang ako dahil naging gwapo ang anak ko at may maipagmamalaki ako sa tao na kahit gaano man ako kapangit, napakatalino, mabait, gwapo ng anak at napakaganda naman ng asawa ko, Antonette Gail," ani Whamos.

Sa dulo ng kanyang post, sinabi niyang kahit patuloy siyang nakakatanggap ng panglalait sa kanyang hitsura, mahal pa rin niya ang kanyang mga bashers at nagbigay ng mensahe ng pagpapala sa kanila.

"Good bless sa inyong mga basher, mahal ko pa din kayo kahit lagi nyo akong nilalait sa itsura ko," pagtatapos niya.

Read also

Philmar Alipayo, binahagi sa IG story ang kanyang komento sa gitna ng kontrobersiya

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Minabuti ni Antonette Gail na linawin ang akusasyong kaya raw sila nagbebenta ng bahay at alahas ay dahil sa naubos daw ang kanilang ipon. Sinasabi pa raw na kaya naubos ang kanilang ipon ay dahil sa kanilang pag-travel at pagpapa-lipo ni Antonette.

Nagbigay ng masayang silip sa kanilang bagong tirahan ang magkasintahang sina Whamos Cruz at Antonette Gail sa pamamagitan ng isang house tour na kanilang ibinahagi kamakailan. Ayon sa kanila, bagamat kakalipat pa lamang nila, kapansin-pansin na ang kanilang pagpapaganda at pag-aayos ng bahay, kabilang na ang paglalagay ng mga dekorasyong pang-Pasko na mismong si Antonette ang nagdisenyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate