Mall merchandiser, sinaksak ng bagger sa Davao City dahil sa laro ng ‘bato-bato pick’

Mall merchandiser, sinaksak ng bagger sa Davao City dahil sa laro ng ‘bato-bato pick’

  • Sinaksak ng isang bagger ang isang mall merchandiser sa Davao City matapos magalit sa isang laro ng “bato-bato pick”
  • Naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak sa balikat ang biktima bago mabilis na tumakas
  • Lumabas sa imbestigasyon na nag-ugat ang galit ng suspek matapos makita ang biktima na hinampas ang noo ng kanyang dyowa sa laro
  • Ilang oras matapos ang insidente, sumuko ang suspek sa mga pulis kasama ang kanyang ina at kasintahan

Isang merchandiser sa isang mall ang sinaksak ng bagger matapos umanong ipagtanggol ang kanyang karelasyon sa isang hindi inaasahang alitan na nag-ugat sa simpleng laro ng “bato-bato pick.”

Mall merchandiser, sinaksak ng bagger sa Davao City dahil sa laro ng ‘bato-bato pick’
Mall merchandiser, sinaksak ng bagger sa Davao City dahil sa laro ng ‘bato-bato pick’ (Pixabay)
Source: Facebook

Ayon sa ulat mula sa Bajada Police Station 18, nangyari ang insidente dakong alas-8 ng gabi habang naka-break ang biktima mula sa kanyang trabaho sa isang mall sa lungsod.

Sa kanyang paglalakad patungo sa exit door ng mga empleyado, nilapitan siya ng suspek, isang bagger mula sa kalapit na shopping mall. Bigla umanong naglabas ng patalim ang suspek at agad na sinaksak ang biktima sa balikat. Dahil sa natamong sugat, mabilis na tumakbo ang biktima pabalik sa loob ng mall upang humingi ng tulong sa security guard.

Read also

Rita Gaviola, hiwalay na umano sa partner: "Nag-usap naman po kami para lang sa bata"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ngunit hindi na inabutan ng mga sekyu ang suspek na mabilis na tumakas mula sa pinangyarihan ng krimen.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagalit umano ang suspek matapos makita ang biktima habang nakikipaglaro ng “bato-bato pick” sa kanyang kasamahan sa trabaho, kasama ang dyowa ng suspek. Lalo umanong uminit ang ulo ng suspek nang makita niyang hinampas ng biktima ang noo ng kanyang karelasyon bilang bahagi ng laro, na nagresulta sa mainit na kompronthttps://admin.kami.com.ph/dashboardasyon.

Matapos ang insidente, nagpadala pa umano ng mensahe ang suspek sa biktima sa pamamagitan ng Facebook Messenger na nagsasabing aabangan daw nito ang biktima at kakausapin niya.

Naglunsad ng follow-up operation ang mga awtoridad ngunit hindi natagpuan ang suspek sa kanyang tirahan sa Agdao, Davao City. Ilang oras matapos ang insidente, boluntaryo itong sumuko sa mga pulis kasama ang kanyang ina at kasintahan.

Agad namang dinala ang suspek sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) kung saan positibong kinilala ng biktima bilang siya ang sumaksak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate