Rendon Labador, nag-react matapos umatras ni Rosmar Tan sa kanyang kandidatura

Rendon Labador, nag-react matapos umatras ni Rosmar Tan sa kanyang kandidatura

  • Nag-react si Rendon Labador matapos umatras si Rosmar Tan sa kanyang kandidatura bilang konsehal ng Maynila
  • Sinabi niyang ipinagmamalaki niya si Rosmar at inaming muntik na itong tumakbo sa politika
  • Iginiit niya na patuloy na tumutulong si Rosmar kahit wala sa posisyon at kahit walang kamera
  • Ayon kay Rendon, marami lang talaga ang naiirita kay Rosmar dahil sa kanyang istilo sa social media

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay ng reaksyon ang motivational speaker at content creator na si Rendon Labador matapos umatras si Rosmar Tan sa kanyang kandidatura bilang konsehal ng Maynila.

Rosmar Tan, pormal nang umatras sa kandidatura; nangakong tuloy ang pagtulong
Rosmar Tan, pormal nang umatras sa kandidatura; nangakong tuloy ang pagtulong (Rendon Labador, Rosemarie Tan Pamulaklakin/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang post, ipinahayag ni Labador ang kanyang suporta kay Rosmar at ipinagmalaki ang ginawang desisyon nito. “Proud kuya here! Isang taon din ‘yun pinag-isipan ah. Muntik na tayo guys,” ani Labador na may halong biro.

Ayon sa kanya, tumakbo man o hindi si Rosmar, patuloy itong tumutulong sa kapwa at hindi lang para sa kamera. “May kamera man o wala, tumutulong talaga ‘yan. Saksi ako diyan! Mabuting tao talaga ‘yan,” dagdag niya.

Read also

Rosemarie Tan Pamulaklakin, aatras sa pagtakbo bilang konsehal ng Maynila

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Inamin din niya na marami ang naiirita kay Rosmar dahil sa kanyang istilo sa social media, ngunit iginiit niyang likas na matulungin ito. “Sadyang madami lang haters at naiinis talaga sa kanya kasi forte niya talaga mang-inis, hahahaha,” pabirong pahayag ni Labador.

Sa kabila ng kanyang pag-atras, nangako si Tan na magpapatuloy pa rin siya sa pagtulong sa kapwa sa kanyang sariling paraan. Ipinaabot din niya ang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanyang kandidatura, lalo na sa kanyang pamilya, asawa, at mga tagasuporta.

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Kamakailan ay nilinaw ni Rosmar ang isyu tungkol sa umano'y hindi nila pagbayad sa kinain nila sa Coron. Ipinahayag niya na ang pagkain nila ay bahagi ng XDEAL kung saan kapalit ng libreng pagkain ay pagpopromote nila sa social media. Maraming restaurant daw ang nag-aagawan na ilibre sila ng pagkain dahil sa kanilang kasikatan at malaking following. Hinikayat ni Rosmar ang publiko na huwag maniwala sa fake news na ipinapakalat ng bashers.

Read also

Regine, nilinaw ang paglublob umano sa kanya sa drum ng kanyang ama

Sinadya nina Rosmar at Team Malakas ang tinitirahan ng isang ina na may 15 na mga anak. Makikita sa video na halos hindi na sila magkasya sa tahanan ng mga ito sa Tondo. Bukod sa tulong pinansyal, isang surpresa rin ang binigay ni Rosmar sa ina lalo na sa mga anak nito. Matatandaang sa kabila umano ng kontrobersiyang kinaharap, tila patuloy pa rin umano sa pagtulong ang grupo ni Rosmar.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate