Rosmar Tan, nagpaliwanag tungkol sa pagpunta niya sa ER para ma-ultrasound

Rosmar Tan, nagpaliwanag tungkol sa pagpunta niya sa ER para ma-ultrasound

  • Ipinaliwanag ni Rosmar Tan na nagpunta siya sa ER dahil sa spotting na kanyang nararanasan habang buntis
  • Sinabi niya na kailangan niyang magpa-ultrasound ngunit kinakailangang dumaan muna sa ER ayon sa ospital
  • Ibinahagi niya na nakita niya sa ultrasound ang heartbeat ng kanyang baby, na dati ay sac pa lamang
  • Tinugunan ni Rosmar ang mga negatibong komento at sinabi niyang maiintindihan lamang ng mga nanay ang kanyang naramdaman sa sitwasyon

Nagpaliwanag si Rosmar Tan ukol sa dahilan ng kanyang pagpunta sa emergency room matapos mag-trending ang kanyang post sa social media. Ayon sa kanya, kinailangan niyang magpa-ultrasound dahil nakaranas siya ng spotting habang nasa unang trimester ng kanyang pagbubuntis.

Rosmar Tan, nagpaliwanag tungkol sa pagpunta niya sa ER para ma-ultrasound
Rosmar Tan, nagpaliwanag tungkol sa pagpunta niya sa ER para ma-ultrasound (Rosemarie Tan Pamulaklakin/Facebook)
Source: Instagram

Paliwanag ni Rosmar, mismong ospital ang nagsabi na kinakailangang dumaan muna siya sa ER para maisagawa ang ultrasound. Aniya, natural lamang para sa isang buntis na mag-alala para sa kaligtasan ng kanyang dinadala, lalo na’t noong araw na iyon niya lang nalaman na may heartbeat na ang kanyang baby.

Read also

43 anyos na lalaki, arestado dahil sa umano'y panggagahasa sa 4 anyos na anak ng pamangkin

Pinuna rin niya ang mga taong nagbigay ng negatibong opinyon sa kanyang post, sinabing hindi nila lubos na nauunawaan ang kabuuan ng sitwasyon. Dagdag pa ni Rosmar, “Kung nanay ka lalo na kung buntis ka, maiintindihan mo ang pakiramdam ng isang ina na kinakabahan kapag may spotting.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Kamakailan ay nilinaw ni Rosmar ang isyu tungkol sa umano'y hindi nila pagbayad sa kinain nila sa Coron. Ipinahayag niya na ang pagkain nila ay bahagi ng XDEAL kung saan kapalit ng libreng pagkain ay pagpopromote nila sa social media. Maraming restaurant daw ang nag-aagawan na ilibre sila ng pagkain dahil sa kanilang kasikatan at malaking following. Hinikayat ni Rosmar ang publiko na huwag maniwala sa fake news na ipinapakalat ng bashers.

Read also

Slovenian na umano'y pumaslang sa asawang Pinay, nagtext pa raw sa ama ng biktima para makiramay

Sinadya nina Rosmar at Team Malakas ang tinitirahan ng isang ina na may 15 na mga anak. Makikita sa video na halos hindi na sila magkasya sa tahanan ng mga ito sa Tondo. Bukod sa tulong pinansyal, isang surpresa rin ang binigay ni Rosmar sa ina lalo na sa mga anak nito. Matatandaang sa kabila umano ng kontrobersiyang kinaharap, tila patuloy pa rin umano sa pagtulong ang grupo ni Rosmar.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate