Kasambahay sa San Juan City, tinangay at isinangla ang P2.6M alahas ng amo
- Isang bagong kasambahay sa San Juan City ang tumangay at isangla ang P2.6 milyong halaga ng alahas ng kanyang amo matapos magpaalam na aalis para bisitahin ang kapatid na umano'y naospital
- Matapos hindi bumalik ng ilang araw, natuklasan ng amo ang pagkawala ng mga mamahaling singsing, hikaw, at bracelet sa cabinet kung saan niya ito itinago
- Agad na humingi ng tulong ang amo sa NBI, na natunton ang kasambahay sa Tacloban at naaresto ito kasama ang mga pawnshop documents at mga identification cards
- Umamin ang kasambahay sa pagnanakaw at sinabing ito ay dulot ng hirap ng buhay, habang pinaalalahanan naman ng NBI ang publiko na magsagawa ng masusing background check sa mga kasambahay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Arestado ang isang kasambahay na tumangay at isangla ang alahas ng kanyang amo na nagkakahalaga ng P2.6 milyon, ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI). Ang biktima, na tinawag na si alyas "Sylvia," ay nagsabing inirekomenda ng dati nilang kasambahay ang suspek na natanggap nila matapos makilala online.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, binahagi ni Sylvia na ilang araw pa lamang ang kasambahay sa kanila nang magpaalam ito para umalis at puntahan umano ang kapatid na naospital. Ayon kay Sylvia, sinabi ng kasambahay na naaksidente ang kanyang kapatid at babalik agad siya pagkadala ng kanyang mga gamit. Ipinangako rin umano ng suspek na hindi ito tatagal ng ilang oras, kaya’t laking gulat ni Sylvia dahil sa malakas na bagyo noong panahong iyon.
Matapos ang ilang araw at hindi pa rin bumalik ang kasambahay, nagduda si Sylvia at sinuri ang cabinet na pinaglagyan niya ng mga alahas. Natuklasan niyang nawawala na ang kanyang mga mamahaling singsing, hikaw, at bracelet na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad siyang dumulog sa NBI Special Task Force (STF) para humingi ng tulong. Ayon kay John Erwin Marasigan, agent ng NBI STF, natunton nila ang suspek sa Tacloban, Leyte, at inaresto ito sa kanilang bahay. Ibinahagi ni Marasigan na nang hulihin nila ang suspek, kapansin-pansin na galing pa ito sa isang gimikan kasama ang kanyang kapatid at ilang kaibigan, at walang nakitang anumang galos o ebidensya na naospital ang sinasabing kapatid nito.
Narekober ng NBI mula sa suspek ang mga identification cards, mga dokumentong nagmula sa isang pawnshop, at cellphone na pinaniniwalaang kinuha mula sa isinanglang mga alahas. Sinabi ni Marlon Marcelo, Executive Officer ng NBI-STF, na ang suspek ay may kasabwat na umano’y isa sa mga in-laws nito. Dagdag pa ni Marcelo, kinumpirma ng biktima na nakapunta na ang in-laws na ito sa kanilang bahay dati at minanmanan lamang ang kanilang mga galaw, na nagpapakita ng masusing pagpaplano sa krimen.
Ayon sa NBI, umamin ang suspek sa pagnanakaw at sinabing ito ang kanyang unang beses dahil sa matinding kahirapan sa buhay. Isiniwalat din nito na mabait ang kanyang amo at nais niyang ibalik ang mga alahas ngunit wala na siyang magagawa dahil nasa pawnshop na ang mga ito.
Nasa kustodiya na ng NBI ang suspek at nahaharap sa reklamong qualified theft. Patuloy din ang imbestigasyon sa mga posibleng kasabwat nito at kung may nauna nang record ng kriminalidad.
Sa naunang ulat ng KAMI, inamin ng OFW na si Carmelita Nones na siya ang kumuha ng mga alahas ng kanyang amo na umabot sa $14.6 million ang kabuuang halaga. Umamin din ang mga naging kasabwat niyang pamangkin at isang kaibigan.
Naiulat din na itinuloy ni Gretchen Malalad ang pagsasampa ng kaso sa kanyang kasambahay na umalis na sa kanila matapos nitong tangkaing lasunin ang mga alagang pusa ni Gretchen. Dumulog ang naturang kasambahay sa programa ni Sen. Raffy Tulfo para humingi ng dispensa kay Gretchen. Read more:
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh