Gretchen Malalad, kakasuhan ang kasambahay na sinubukang lasunin ang mga pusa

Gretchen Malalad, kakasuhan ang kasambahay na sinubukang lasunin ang mga pusa

- Pinanindigan ng dating ABS-CBN reporter na si Gretchen Malalad ang kanyang pagsasampa ng kaso sa kanyang kasambahay

- Ito ay matapos niyang mapag-alaman na tinangka nitong lasunin ng muriatic acid ang kanyang mga pusa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa kanyang pahayag sa Raffy Tulfo in Action sinabi niyang naaawa siya sa mga anak ng kanyang kasambahay pero maging sila umano ay na-trauma

- Abot-abot naman ang paghingi ng dispensa ng kanyang kasambahay pero nanindigan si Gretchen na kailangan nitong panagutan ang kanyang ginawa

Itutuloy ni Gretchen Malalad ang pagsasampa ng kaso sa kanyang kasambahay na umalis na sa kanila matapos nitong tangkaing lasunin ang mga alagang pusa ni Gretchen. Dumulog ang naturang kasambahay sa programa ni Sen. Raffy Tulfo para humingi ng dispensa kay Gretchen.

Read also

Maxene Magalona, kinabiliban sa kanyang 'Mga Kababayan ko' performance

Gretchen Malalad, kakasuhan ang kasambahay na sinubukang lasunin ang mga pusa
Gretchen Malalad, kakasuhan ang kasambahay na sinubukang lasunin ang mga pusa
Source: Facebook

Ayon sa kasambahay, sumama lamang ang loob niya dahil aniya ay napagbintangan siyang kumuha ng bag na pinabulaanan naman ng dating amo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aminado si Gretchen na naawa siya sa mga anak ng kasambahay pero aniya ay dapat nitong panagutan ang kanyang ginawa.

Gretchen Malalad ay isang Filipina athlete, beauty titleholder, at journalist. Gold medalist siya sa 2005 Southeast Asian Games sa karate at isang dating beauty pageant contestant sa Binibining Pilipinas 2003 kung saan tinanghal siyang Ms. Talent at Ms. Red Bull Supreme. Naging housemate siya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 1.

Marami sa mga artista at personalidad ang kilalang animal lovers. Sa kanyang vlog ay pinakita ni Vice Ganda ang kanyang pagpapa-groom sa kanyang Baby Fayah. Matapos ang kanyang pagpapa-groom ay pinakita ni Vice Ganda ang shalang bag para may lalagyan siya kay Fayah kapag umaalis sila sa bahay. Marami ang natuwa na makita ang pagiging hands-on furparent ni Vice Ganda. Sa Fayah ang aso nina Vice Ganda at Ion Perez na kanilang naibahagi na sa kanilang mga naunang vlog.

Read also

Michelle Dee: "For Q and A, sayang hindi ako nakahawak ng mic"

Matatandaang pinagtanggol ni Cristy Fermin sina Vice Ganda at Ion Perez sa mga bashers nito tungkol sa pagbili nila ng aso. Ito ay dahil umano sa presyo ng aso na Php380,000 na tila binatikos ng netizens. Ayon kay Cristy, kaligayahan naman umano ito ng dalawa lalo na at parang anak na raw ng mga ito ang nabiling aso. Kamakailan ay naging usap-usapan ang vlog ni Vice Ganda sa pagbili nila ng mamahaling aso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel