OFW, umamin sa pagnanakaw ng alahas ng amo na nagkakahalaga ng $14.6 million

OFW, umamin sa pagnanakaw ng alahas ng amo na nagkakahalaga ng $14.6 million

- Inamin ng Pinay na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic helper ang pagnanakaw sa mga alahas ng kanyang amo

- Umabot sa $14.6 million ang kabuuang halaga ng alahas na kanyang nakuha sa kanyang amo na kanyang isinangla

- Umamin din ang kanyang pamangkin at isang kaibigan na nakipagsabwatan sa ginawa ng OFW na si Carmelita Nones

- Naiulat din na dalawang malalaking bahay ang naipatayo ng OFW at meron din umano itong mga sasakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inamin ng OFW na si Carmelita Nones na siya ang kumuha ng mga alahas ng kanyang amo na umabot sa $14.6 million ang kabuuang halaga. Umamin din ang mga naging kasabwat niyang pamangkin at isang kaibigan.

OFW, umamin sa pagnanakaw ng alahas ng amo na nagkakahalaga ng $14.6 million
Domestic helpers converge in the Central district on their day off in Hong Kong (ANTONY DICKSON/AFP)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Nanay, napaluhod at napahagulgol nang makaharap ang anak na sumama sa lalaki

Ayon sa ulat ng The Sun Hong Kong, nakatago umano ang mga alahas ng kanyang amo sa isang safe sa loob ng kanyang kwarto at wala umano siyang alam kung paano nalaman ng kasambahay ang combination upang mabuksan ang safe.

Ayon pa sa nasabing ulat, napag-alamang nakapagpatayo umano ng dalawang malalaking bahay bahay ang nasabing OFW at meron din umano itong mga pagmamay-aring sasakyan. Napag-alaman umano ito ng kanyang amo matapos nitong pinaimbestigahan ang pamilya nito sa Pilipinas.

Samantala, mariin naman itinanggi ng kapatid ni Nones na kasabwat siya. Gayunpaman, ayon sa mga otoridad, ilan sa mga alahas ay natagpuan sa sislid ng kanyang kapatid nang mag-imbestiga ang otoridad.

Unang lumabas ang balitang ito noong taong 2019 matapos mapansin ng kanyang mga amo na nawawala ang dalawang mamahaling relo. Ayon sa isang artikulo na inilabas ng OFW Tambayan, minabuti ng mag-asawang amo niya na paimbestigahan si Nones.

Read also

Buboy Villar, napagsama sa iisang bahay ang mga magulang at kanyang stepfather

Nakita sa kanyang mga gamit ang patunay na isinangla niya ang nawawalang alahas.

Sa isang ulat pa ng The Sun Hong Kong, naaresto si Nones sa bahay ng kanyang amo noong September 4, 2019.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang pangingibang bansa ang isa sa itinuturing ng karamihan na sagot sa kahirapan ng buhay sa bansa. Marami sa mga Pinoy ang nagsasapalaran sa ibang bansa sa pag-asang makaahon sa kahirapn kahit pa ang kapalit nito ay malayo sila sa kanilang mga mahal sa buhay.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Karamihan sa mga nagiging problema ng mga Overseas Filipino Workers ay ang pagmamaltrato sa kanila ng kanilang amo. Mayroon din namang nagkakaproblema sa pamilya dahil sa pagkakaroon ng kalaguyo ng kanilang mga asawa o karelasyon.

Read also

William Martinez, 11 taon nang mag-isa at wala na umanong balak mag-asawa

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel