Pasahero, ginilitan ng taxi driver; pagtatalo sa pamasahe, hinihinalang dahilan

Pasahero, ginilitan ng taxi driver; pagtatalo sa pamasahe, hinihinalang dahilan

- Hinihinalang sinaksak ng isang hindi pa nakikilalang taxi driver ang 25-anyos na pasaherong si Isidro Amante Gonzales Jr. sa Barangay Pasong Putik, Quezon City noong Sabado ng madaling araw

- Base sa kuha ng CCTV, nagtalo ang biktima at ang driver sa pamasahe bago ang pananaksak malapit sa Uncle John Convenience Store

- Duguang lumapit ang biktima sa isang pampasaherong bus, ngunit nawalan siya ng malay at bumagsak bago pa siya masaklolohan

- Naitakbo sa Tala Hospital si Gonzales ngunit idineklara siyang dead on arrival dulot ng malalim na saksak sa leeg

Isang 25-anyos na lalaki ang nasawi matapos umanong saksakin sa leeg ng hindi pa nakikilalang taxi driver dahil sa pinaghihinalaang pagtatalo sa pamasahe. Nakilala ang biktima bilang si Isidro Amante Gonzales Jr., residente ng A1 Shekel St., Phase 8, Brgy. North Fairview, Quezon City.

Pasahero, ginilitan ng taxi driver; pagtatalo sa pamasahe, hinihinalang dahilan
Pasahero, ginilitan ng taxi driver; pagtatalo sa pamasahe, hinihinalang dahilan
Source: Facebook

Sa ulat ng Abante, iniulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), nangyari ang krimen bandang alas-3:30 ng madaling araw malapit sa Uncle John Convenience Store sa Quirino Highway, Brgy. Pasong Putik.

Read also

Iya Villania, inaming pagod nang umire: "So, let's end it with five, okay?"

Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), naganap ang insidente bandang alas-3:30 ng madaling araw ng Sabado malapit sa Uncle John Convenience Store sa Quirino Highway, Barangay Pasong Putik. Sa kuha ng CCTV, makikita ang mainit na pagtatalo sa pagitan ng biktima at taxi driver na may plakang UVH 964. Sa gitna ng pagtatalo, bigla na lamang umanong sinaksak ng driver si Gonzales sa leeg bago ito mabilis na sumakay muli sa taxi at tumakas.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad na lumapit ang duguang biktima sa isang pampasaherong bus na nakaparada sa Quirino Highway sa kanto ng Maligaya Drive. Nakita siya ng konduktor at driver ng bus, ngunit biglang nawalan ng malay ang biktima at bumagsak sa lupa. Mabilis namang dumating ang mga tauhan ng QCPD Pasong Putik Proper Police Station 16 na pinamumunuan ni P/Lt. Rommel Tiangco, at dinala si Gonzales sa Tala Hospital sa Caloocan City.

Read also

Isa sa apat na akusado sa karumal-dumal na pamumugot sa security guard, sumuko na

Sa kabila ng pagsisikap na masagip ang kanyang buhay, idineklara siyang dead on arrival ganap na alas-4:17 ng umaga ni Dr. Zephaniah Alvin S. Gimelo. Ang sanhi ng kanyang kamatayan ay ang malalim na saksak sa leeg.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng tumakas na taxi driver at ang eksaktong motibo sa krimen. Pinaghihinalaang nagtalo ang biktima at ang driver hinggil sa halaga ng pamasahe, ngunit sinisiyasat pa ang iba pang posibleng dahilan ng brutal na pagpaslang.

Sa ibang balita, natakasan ng pasahero ang isang driver na naghatid mula sa Quezon City hanggang Pasay. Nagdahilan umano ito na susunduin lamang ang mag-ina ngunit hindi na ito bumalik.

Isang 21-anyos na taxi driver ang nasawi matapos saksakin ng dalawang magkapatid sa Baguio City matapos ang mainitang sagutan sa kalsada noong gabi ng Martes, Oktubre 1, 2024. Sa ulat ng GMA Integrated News, kinilala ang biktima na si Jhonsen Pelayo, na nasangkot sa insidente sa Asin Road.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate