Misis ng tinuturing na mastermind sa mag-asawang Lulu, sinampahan na rin ng kaso

Misis ng tinuturing na mastermind sa mag-asawang Lulu, sinampahan na rin ng kaso

- Sinampahan na rin ng kaso ang asawa ng nahuling mastermind na pagpapatay sa mag-asawang Lulu

- Ito ay matapos matuklasan sa imbestigasyon na dalawang beses daw na nakipag-usap ang asawang babae sa middle man

- Matatandaang nauna nang nadakip ang lalaking asawa na humiling pa na huwag nang idamay ang kanyang misis

- Hihilingin ng pulisya na maglabas ng lookout bulletin order sa bureau of Immigration laban sa asawa nito

Sinampahan na rin ng kaso ang misis ng itinuturong mastermind sa malagim na pagpatay sa mag-asawang Lulu. Ayon sa ulat ng PTV Phillipines, nadiskubre sa imbestigasyon na dalawang beses umanong nakipag-ugnayan ang misis sa isang middle man na sangkot sa pagplano ng krimen. Dahil dito, isinama siya sa mga kakasuhan ng kaugnay na kaso.

Misis ng tinuturing na mastermind sa mag-asawang Lulu, sinampahan na rin ng kaso
Misis ng tinuturing na mastermind sa mag-asawang Lulu, sinampahan na rin ng kaso
Source: Facebook

Matatandaang nauna nang naaresto ang lalaking asawa, na itinuturing na utak sa krimen. Habang nasa kustodiya, hiling niya sa mga awtoridad na huwag nang idamay ang kanyang misis, na iginiit niyang walang kinalaman sa naganap na krimen. Subalit, sa kabila ng kanyang pakiusap, tumuloy ang kaso laban sa misis matapos makita ang mga ebidensiyang mag-uugnay sa kanya sa plano ng pagpatay.

Read also

Babaeng naglaba sa ilog sa CDO, natagpuang hubad at walang buhay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang pulisya ay kasalukuyang naglalakad ng mga dokumento upang humiling ng lookout bulletin order sa Bureau of Immigration laban sa misis ng mastermind. Layunin nito na maiwasan ang kanyang posibleng pagtakas palabas ng bansa habang ang kaso ay patuloy na iniimbestigahan at nililitis. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang tuluyang makamit ang hustisya para sa mag-asawang Lulu na walang awang pinaslang.

Matatandaang sa kuha ng CCTV, makikita ang riding in tandem na nakasunod sa sasakyan ng mag-asawang Lerma “Mommy Lerms” Lulu at Arvin Lulu. Sila ang mag-asawang negosyante na binaril sa Mexico, Pampanga. Ayon sa ulat ng GMA news, naroroon din ang anak nila at pinsan nito pero nakaligtas sila ngunit traumatized ang mga ito. Hustisya ang patuloy na hinihiling ng naulilang kaanak ng mag-asawa.

Matatandaang ipinahayag ni Mabalacat City Mayor Crisostomo Garbo na magbibigay siya ng gantimpalang P100,000 sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na makakatulong sa pag-aresto sa mga pumatay sa kilalang online seller na si Lerms Lulu at asawa niyang si Arvin sa Mexico, Pampanga, kamakailan. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Garbo na siya ay nakikiramay sa mga pamilya at kaibigan ng mag-asawang Lulu, na mga residente ng Mabalacat City.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate