Boss Toyo, may pasimpleng hirit tungkol sa pagtakbo sa Pilipinas

Boss Toyo, may pasimpleng hirit tungkol sa pagtakbo sa Pilipinas

- Nagbiro si Boss Toyo tungkol sa pagtakbo sa politika at sinabing magfa-file siya ng vacation leave papuntang Hong Kong

- Nilinaw niyang hindi sapat ang pagiging sikat o matalino upang maging isang epektibong lider

- Sinabi niyang hindi circus o comedy bar ang pamumuno at seryoso ito

- Ipinahayag ni Boss Toyo ang plano niyang pagbutihin pa ang sarili bago pag-isipan ang posibleng pagtakbo sa hinaharap

Nagpakawala ng matinding banat si Boss Toyo, isang kilalang personalidad sa social media, patungkol sa isyu ng mga tumatakbong kandidato sa Pilipinas. Sa kanyang post, nilinaw niyang hindi siya tatakbo sa anumang posisyon sa politika sa kabila ng mga hirit mula sa kanyang mga tagahanga at taga-suporta.

Boss Toyo, may pasimpleng hirit tungkol sa pagtakbo sa Pilipinas
Boss Toyo, may pasimpleng hirit tungkol sa pagtakbo sa Pilipinas
Source: Facebook

"At eto na nga po!! Wala na akong magagawa dahil eto ay sinisigaw na ng taong bayan!! Kaya ako ho ay nagdesisyon na mag-file na!!" sabi ni Boss Toyo sa kanyang post, na may kasamang nakakatawang punchline. Subalit, ang kanyang “pag-file” ay hindi ng kandidatura, kundi ng isang vacation leave. Ibinahagi pa niyang pupunta siya sa Hong Kong para magbakasyon, at binanggit sa biro na magkita-kita sila doon sa mga sumusuporta sa kanya.

Read also

Jericho Rosales, binati si Janine Gutierrez sa kaarawan nito

Gayunpaman, sa kabila ng kanyang kakayahan, inamin ni Boss Toyo na hindi sapat ang pagiging sikat upang maging isang epektibong lider. "Hindi porket sikat ka eh tatakbo na. Para sa akin, hindi circus o laro o comedy bar ang pamumuno," dagdag niya, nagpapahiwatig ng kanyang seryosong pananaw sa pamamahala ng bayan.

Nilinaw rin ni Boss Toyo na sa kasalukuyan ay mas pinipili niyang pagbutihin ang kanyang sarili upang sa hinaharap, kung sakaling maisipan niyang sumabak sa politika, ay mas magiging handa siya para sa mga responsibilidad ng pagiging isang tunay na lider.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa dulo ng kanyang post, biniro pa niya ang kanyang mga tagasunod na ugaliing basahin hanggang sa dulo, sabay pag-amin na ang kanyang mga litrato ay inedit lamang.

Mukhang marami ang naaliw at nakakuha ng magandang aral mula sa kanyang mensahe—na hindi madali at basta-basta ang pamumuno, at kinakailangang may sapat na kaalaman at karanasan upang magampanan ito ng mahusay.

Read also

‘Diwata,’ naghain ng CONA para sa Vendors Partylist

Si Boss Toyo ay isang rap artist at businessman na nakapag-record na ng dalawang single niya. Ang Black Music ang nag-release ng pangalawang single niyang pinamagatang “Rap Lord” na nag-streaming na sa YouTube at iba pang music streaming platforms.

Nanawagan si Boss Toyo ng hustisya para sa sinapit ng kanyang rider. Sa isang post sa Facebook, ikinuwento ng social media personality kung paano binaril ang kanyang rider noong Pebrero 10. Sinabi niya na bagama’t marami sa lugar ang nakakaalam kung sino ang salarin, wala ni isa man ang kumilos o nagsiwalat ng pagkakakilanlan nito.

Nagpakita ng suporta si Boss Toyo sa pamilya Yulo sa pamamagitan ng pagbili ng P5,000 halaga ng mga produkto sa live selling ni Angelica Yulo. Ibinahagi ni Mark Andrew Yulo ang komento ni Boss Toyo at pinasalamatan siya sa kanyang suporta. Naging viral sa social media ang live selling ni Angelica at umani ng halo-halong reaksyon mula sa mga netizen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate