Kasong murder laban kay Pastor Dimver Andales, binasura ng DOJ
- Ibinasura ng DOJ ang kasong murder laban kay Pastor Dimver Andales dahil sa kakulangan ng ebidensya
- Inaresto sina Andales at alyas “Kuya” matapos silang akusahan sa pagpatay kay Adrian Fornillos, kandidato ng Mr. Cagayan de Oro 2023
- Nakakita ng probable cause laban kay alyas “Kuya” base sa mga testimonya ng mga saksi
- Inutusan ng DOJ ang City Prosecutor’s Office na iurong ang kaso laban kay Andales sa Regional Trial Court
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong murder laban kay Pastor Dimver Andales, na iniuugnay sa pagpatay ng isang kandidato ng Mr. Cagayan de Oro 2023, dahil sa kakulangan ng probable cause ayon sa ulat ng GMA Regional TV.
Sa isang siyam-na-pahinang resolusyon, pinaboran ng DOJ ang petisyon para sa muling pagsusuri na inihain ni Pastor Andales. Sina Andales at isang lalaking kilala lamang sa alyas na “Kuya” ay naaresto noong Oktubre 2023 matapos silang akusahan sa pagpatay kay Adrian Fornillos, kandidato ng Mr. Cagayan de Oro, noong Mayo 19, 2023. Pinagbabaril si Fornillos habang papunta sa bahay ng kanyang mentor upang magpraktis para sa pageant.
Ayon sa DOJ, walang sapat na ebidensya na magpapatunay ng pagkakasangkot ni Andales sa krimen. Gayunpaman, nakakita ng probable cause laban kay alyas “Kuya” base sa mga testimonya ng mga saksi.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Inutusan din ng DOJ ang City Prosecutor’s Office na iurong ang kaso laban kay Andales sa Regional Trial Court at iulat ang aksyon sa loob ng sampung araw.
Ayon kay Atty. Rhobert Maestre, dating legal counsel ni Andales na naghain ng petisyon sa DOJ, itinuturing nila itong tagumpay.
Sinabi rin ni Maestre na hindi na siya bahagi ng legal team ni Andales simula noong Hulyo 2024, ngunit hindi na siya nagbigay ng detalye tungkol dito.
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya ni Fornillos, at hindi pa tumutugon ang kanilang abogado sa mga kahilingan para sa komento.
Si Pastor Dimver Andales ay bishop sa Lapasan Baptist Church. Nag-viral ang posts kaugnay sa kaso ng pagpaslang kay Adrian Fornillos at si Pastor Andales ang dinadawit na mastermind umano sa kaso.
Matatandaang pinabulaanan ni Pastor Andales ang mga lumabas na alegasyon laban sa kanya kasunod ng pag-viral ng kwento tungkol sa post ng Facebook user na si Jone Orog. Mag-aapat na buwan na daw ang nangyaring pagpaslang kay Fornillos kaya nagtataka daw siya kung bakit dinadawit ang pangalan niya. Balak daw magkaso ng pastor at aniya ay sinisira ang kanyang pangalan lalo at tatakbo ang kanyang anak nitong barangay election.
Nakatanggap naman ng subpoena ang pastor bilang respondent sa Adriane Fornillos murder case. Matatandaang nauna nang nagsalita ang pastor kaugnay sa pandadawit sa pangalan niya sa usaping ito. Nag-viral ang mga post ng karelasyon ng napaslang na si Fornillos. Nauna na ring pinabulaanan ni Pastor Andales ang mga akusasyon sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh