Doc Willie Ong, tatakbo bilang Senador sa kabila ng laban sa kanser

Doc Willie Ong, tatakbo bilang Senador sa kabila ng laban sa kanser

- Inanunsyo ni Doc Willie Ong na tatakbo siya bilang senador sa May 2025 elections kahit na lumalaban siya sa sarcoma cancer

- Si Ong ay isang kilalang cardiologist at vlogger na may mahigit 9.5 milyong subscribers sa YouTube

- Natapos niya ang kanyang pag-aaral sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute at nagkaroon ng Master's in Public Health sa UP Manila

- Ang kanyang asawang si Dra. Liza Ong ang maghahain ng kanyang kandidatura sa Senado sa darating na Oktubre 2

Inanunsyo ng kilalang doctor-vlogger na si Doc Willie Ong na tatakbo siya para sa pagkasenador sa darating na May 2025 midterm elections, kahit na kasalukuyan siyang lumalaban sa sarcoma cancer.

Doc Willie Ong, tatakbo bilang Senador sa kabila ng laban sa kanser
Doc Willie Ong, tatakbo bilang Senador sa kabila ng laban sa kanser
Source: Facebook

Si Willie Ong ay isang cardiologist, internist, at media personality na tanyag sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang mga social media platform, lalo na sa kanyang YouTube channel na may mahigit 9.5 milyong subscribers. Una siyang nakilala sa kanyang pagtakbo sa Senado noong 2019, at sa kanyang pagtakbo bilang bise presidente kasama si Manila Mayor Isko Moreno noong 2022.

Read also

Dating basketball player at actor na si Raul Dillo, proud na nagtitinda ng longganisa

Natapos ni Ong ang kanyang pag-aaral sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute at kumuha ng Master's in Public Health mula sa University of the Philippines Manila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naging chief resident siya sa internal medicine at chief fellow sa cardiology, at nag-akda ng ilang mga publikasyong medikal. Bukod sa kanyang propesyon, siya rin ay isang aktibong politiko na nagtutulak ng mga programang pangkalusugan at pabor sa federalismo at mas mahigpit na sistemang panghustisya.

Ibinahagi ni Ong sa kanyang Facebook Live na opisyal siyang maghahain ng kanyang kandidatura sa Senado sa darating na Oktubre 2. Sinabi rin niya na ang kanyang asawang si Dra. Liza Ong ay pauwi na ng Pilipinas upang personal na maghain ng kanyang kandidatura. Sa kabila ng chemotherapy na kanyang isinasailalim, sinabi ni Ong, "Tatakbo tayo, ipapakita natin tunay ang Diyos."

Read also

Lolong inatake sa puso, sinaklolohan ng tattoo artist na ‘di niya kakilala

Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.

Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang 'Kuya Boy' na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.

Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama't bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate