Lolong inatake sa puso, sinaklolohan ng tattoo artist na ‘di niya kakilala

Lolong inatake sa puso, sinaklolohan ng tattoo artist na ‘di niya kakilala

- Sinaklolohan ng isang estrangherong tattoo artist si Tatay Arthur matapos itong atakihin sa puso

- Mabilis na dinala si Tatay Arthur sa ospital, at ayon sa doktor, ilang segundo na lang ang maaaring naging delikado sa kanyang buhay

- Ibinahagi ng tattoo artist ang kanyang karanasan sa social media at hinimok ang publiko na maging handa at tumulong sa mga emergency situations

- Pinaalalahanan din ng tattoo artist ang mga motorista na magbigay daan sa mga emergency vehicles upang mas mabilis na makaresponde ang mga ito

Isang lolo na nagngangalang Tatay Arthur ang sinaklolohan ng tattoo artist na si 'Mewo' matapos atakihin sa puso sa gitna ng kalsada. Ayon sa tattoo artist, nagpaalala ang insidente sa kanya ng pagkamatay ng kanyang sariling ama dahil sa heart attack, kaya't agad siyang kumilos upang magbigay ng tulong sa pagkakataong ito. Sa tulong ng mabilis na aksyon at pagdala kay Tatay Arthur sa ospital, sinabi ng doktor na kung na-late pa ng ilang segundo, mas magiging delikado ang sitwasyon.

Read also

Doc Willie Ong, may pakiusap sa TV5: "Baka pwedeng ayusin nyo naman ito"

Lolong inatake sa puso, sinaklolohan ng tattoo artist na ‘di niya kakilala
Lolong inatake sa puso, sinaklolohan ng tattoo artist na ‘di niya kakilala
Source: Facebook

Ibinahagi ng tattoo artist ang kanyang mensahe sa social media, hinihimok ang publiko na tumulong agad sa oras ng emergency at maging aware sa mga lokasyon ng mga ospital. "Every second counts," ani niya, at nagpasalamat din sa Diyos sa pagkakataong maisalba ang buhay ni Tatay Arthur. Dagdag pa niya, importante rin na maging alerto at magbigay daan kapag may emergency vehicles na dadaan upang mas mapabilis ang pag-aksyon sa ganitong mga sitwasyon.

Sa programang Kapuso Mo Jessica Soho, muling nagkita sina Tatay Arthur at Mewo nang bisitahin ng tattoo artist ang matanda sa bahay nila. Abot-abot ang pasasalamat ni tatay Arthur at ng kanyang asawa kay Mewo sa ginawa nitong pagtulong sa kanila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala sa ibang balita, umani ng papuri ang isang fish vendor sa Quezon na matiyagang nagtitinda kahit isang kamay lang ang naigagalaw. Makikitang naglilinis pa ito ng nilalakong isda at maayos din na naisisilid sa lalagyan. Ayon sa uploader, napabilib siya sa ipag ng vendor na tila ginagawa umano ito para sa kanyang pamilya. Magsilbing inspirasyon ito sa marami na lalo dapat pagsipagan ang pagbabanat ng buto lalo naman kung walang iniindang karamdaman o anumang pagkukulang.

Namayapa na ang lolo na naisipang magpagawa na agad ng kabaong para sa kanya. Nang ma-stroke, hindi nagdalawang isip ang matanda na magpagawa na ng sarili niyang hihimlayan pagdating ng kanyang oras. Subalit nauna pa umanong mamayapa ang karpinterong gumagawa ng kabaong. At nito lamang Hulyo 13 ng kasalukuyang taon, tuluyan nang namaalam ang lolo subalit hindi na nito nagamit ang sarili niyang kabaong.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate