Bangka na may sakay na mahigit 20 na bata, tumaob sa Guagua, Pampanga

Bangka na may sakay na mahigit 20 na bata, tumaob sa Guagua, Pampanga

- Isang bangka na may sakay na higit 20 bata ang tumaob sa Barangay Bangcal, Guagua, Pampanga

- Pauwi ang mga bata mula sa eskwelahan nang mawalan ng kontrol ang bangkero matapos mag-panic ang mga sakay

- Mabilis na nagtulong-tulong ang mga residente at bangkero sa pagsagip sa mga bata

- Ligtas ang lahat ng mga estudyante na nasa Grade 1 hanggang Grade 4

Isang bangka na may sakay na higit 20 bata ang tumaob sa Barangay Bangcal, Guagua, Pampanga noong Lunes, Setyembre 23, 2024, bandang alas-11:30 ng umaga. Sa ulat ng GMA Regional TV, ayon sa isa sa mga rescuers, pauwi na mula sa eskwelahan ang mga bata nang biglaang tumagilid ang bangka.

Bangka na may sakay na mahigit 20 na bata, tumaob sa Guagua, Pampanga
Bangka na may sakay na mahigit 20 na bata, tumaob sa Guagua, Pampanga
Source: Facebook

Ang naturang bangka ay regular na ginagamit bilang transportasyon ng mga bata pauwi mula sa eskwelahan. Iniulat na nawalan ng kontrol ang bangkero matapos mag-panic ang mga bata at nagpuntahan sa isang bahagi ng bangka.

Read also

Carla Abellana, nasa perimenopausal stage na sa edad niyang 37

“‘Yung mga bata hindi naman makakalangoy, maliliit lang. Gusto ng mga bata na umuwi agad kaya nagpuntahan lahat sa unahan. ‘Yung bangkero, hindi na nakontrol dahil mga bata makukulit,” ayon kay Dudes Garcia Amisola, isa sa mga tumulong sa pagsagip.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pa malinaw kung may haharap sa pananagutan sa insidente dahil hindi ito pormal na naireport sa mga awtoridad. Sa kabila nito, mabilis na nagtulong-tulong ang mga residente at bangkero sa lugar upang sagipin ang mga estudyante, na lahat ay nasa Grade 1 hanggang Grade 4.

Ligtas naman ang lahat ng mga bata matapos ang insidente.

Sa naunang ulat ng KAMI, marami ang bumilib sa determinasyon at pagpupursige ng ilang mga estudyanteng hindi biro ang pinagdadaanan makapasok lamang. Sa halip na school bus ay school boat ang kanilang sinasakyan makapunta lamang sa paaralan. Wala daw kasing high school sa kanilang lugar kaya kailangan nilang bumiyahe ng malayo. Tatlumpong minuto silang nakatayo sa siksikang bangka.

Sumuong naman sa matinding panganib ang ilang estudyante sa Bulacan, sakay ang bangka. Pauwi na ang mga estudyente naisipang kunan ng video ng isa sa mga sakay ang nangyari. Bunsod ng halos walang tigil na ulan ng Bagyong Enteng, naging pasakit pa umano ang malalaking alon sa dagat na kinailangan. Ilang mga lugar sa bansa ang labis na naapektuhan ni Enteng at karamihan sa mga ito ay baha

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate