Boss Toyo, bumili ng libo-libong pisong halaga ng damit sa live selling ni mommy Angelica Yulo

Boss Toyo, bumili ng libo-libong pisong halaga ng damit sa live selling ni mommy Angelica Yulo

- Nagpakita ng suporta si Boss Toyo sa pamilya Yulo sa pamamagitan ng pagbili ng P5,000 halaga ng mga produkto sa live selling ni Angelica Yulo

- Ibinahagi ni Mark Andrew Yulo ang komento ni Boss Toyo at pinasalamatan siya sa kanyang suporta

- Naging viral sa social media ang live selling ni Angelica at umani ng halo-halong reaksyon mula sa mga netizen

- Bukod sa pag-live selling ng mga damit, nagtitinda din si Angelica ng mga pagkain na sila mismo ang nagluluto

Si Jayson Luzadas, mas kilala sa online world bilang 'Boss Toyo,' isang content creator at negosyante, ay ipinakita ang kanyang suporta sa pamilya Yulo matapos niyang bumili ng mga produkto na nagkakahalaga ng libo-libong piso sa isang live selling na isinagawa ni Mrs. Angelica Yulo.

Boss Toyo, bumili ng libo-libong pisong halaga ng damit sa live selling ni mommy Angelica Yulo
Boss Toyo, bumili ng libo-libong pisong halaga ng damit sa live selling ni mommy Angelica Yulo
Source: Facebook

Habang nasa kalagitnaan ng live selling, napansin ni Angelica ang komento ni Boss Toyo kung saan sinabi nito na bibilhin niya ang ilang mga damit na umaabot sa halagang P5,000 bilang tanda ng kanyang suporta.

Read also

Xian Gaza, binahagi ang picture nina Maris Racal at Anthony Jennings

“Cge pabili aq worth 5k n damit,” ani Boss Toyo sa kanyang komento, na ikinatuwa ng mga manonood at lalo na ni Angelica. Dahil dito, ibinahagi ng asawa ni Angelica ang mensahe ni Boss Toyo sa kanyang live selling at taos-pusong pinasalamatan ang content creator sa hindi inaasahang gesture.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Angelica at asawa nitong si Mark Andrew Yulo ay kamakailan lamang ang naging laman ng social media matapos ang isang viral live selling event ni Angelica na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens. Habang ang ilan ay humanga sa kanyang pagsusumikap, may ilang nagbigay ng negatibong komento, ngunit hindi ito naging hadlang kay Angelica para ipagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Ang suportang ipinakita ni Boss Toyo ay isang patunay na maraming tao ang handang tumulong at sumuporta sa pamilya Yulo sa kanilang mga pinagdadaanan.

Read also

Yasmien Kurdi, binahagi ang video ng anak na si Ayesha sa ospital

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas na nagningning sa mga kumpetisyon sa gymnastics, partikular sa floor exercise at vault. Mula pagkabata, nagsimula na siyang magsanay, at nabigyan siya ng pagkakataong mag-aral at mag-ensayo sa Japan, kung saan lalo pang pinahusay ang kanyang mga kakayahan. Noong 2019, siya ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships.

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.

Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate