Ilang residente sa Bacoor, matapos masunugan; binaha naman ang evacuation center
- Doble ang pasakit ang dinanas ng ilang residente ng Bacoor, Cavite na nasunugan na, dumanas pa ng pagbaha
- Makikita sa video na tila nasa ikalawang palapag na ng evacuation center ang kumukuha dahil sa baha
- Inilikas sila roon dahil sa sunog na naranasan nila sa kasagsagan ng Bagyong Enteng
- Samantala, inabot ng dalawang araw ang suspensyon ng pasok sa paaralan at sa opisina sa iba't ibang bahagi ng bansa dahil sa nasabing bagyo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi lamang isa kundi dalawang pahirap ang dinanas ng mga taga Brgy. Talaba 3 sa Bacoor, Cavite nitong Lunes, Setyembre 2.
Ito ay dahil matapos na masunugan, binaha naman ang kanilang pinaglikasang evacuation center.
Sa video na ibinahagi rin ng ABS-CBN, makikitang umabot hanggang tuhod ang tubig sa loob ng evacuation center dahilan upang lumutang ang ilang divider o tent na tinutuluyan ng mga residenteng biktima ng sunog.
Ang kumukuha ng video ay tila nasa ikalawang palapag na ng evacuation center ngunit mapapansing may ilang naiwan pa rin sa ibaba kung saan naroon ang mga lumutang na tent.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon pa sa ilang residente, pasado hatinggabi nang mapansin nilang tumataas na ang tubig sa kanilang tinutuluyan dahilan upang ilikas muli ang iba sa kanila.
Narito ang kabuuan ng video:
Inabot ng dalawang araw ang suspensyon ng pasok sa pampublikong paaralan at opisina sa iba't ibang bahagi ng bansa bunsod ng hagupit ng bagyong Enteng.
Sa kasamaang palad, nagdulot ito ng trahedya sa ilan nating kababayan. Tulad na lamang ng isang siyam na buwang gulang na sanggol sa Naga City na natagpuan na laman ng kanyang mga magulang na nakalutang sa tubig baha. Sa kasamaang palad, nasawi ang sanggol sa pagkalunod.
Matatandaang sa bagyong Carina noong buwan ng Hulyo, ilang mga pamilya ang nagsilikas sa kanilang lugar pagbaha. Dahil dito, isang ginang sa Valenzuela City ang hindi na napigilan ang kanyang panganganak at nagsilang ng isang baby girl sa kanilang evacuation center. Isang nursing student na naroon din sa nasabing lugar ang tumulong sa ginang upang maayos pa rin na mailabas ang sanggol na kalauna'y isinunod niya ang pangalan sa bagyo noon na si Carina.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh