Siyam na buwang sanggol na nalunod sa baha, natagpuang wala nang buhay

Siyam na buwang sanggol na nalunod sa baha, natagpuang wala nang buhay

- Binawian ng buhay ang isang siyam na buwang sanggol matapos itong malunod sa baha

- Ayon sa pulisya, natagpuan na lamang umano ng mga magulang ng sanggol na lumulutang ang kanilang anak sa bahang bunsod ng bagyong Enteng

- Sinubukan pa umano itong dalhin sa ospital subalit huli na rin ang lahat

- Isa ang Naga City sa mga lugar na binaha sa pananalasa ni Enteng sa bansa

Isang siyam na buwang gulang na babaeng sanggol ang pumanaw matapos malunod sa baha dulot ng bagyong Enteng.

Siyam na buwang sanggol na nalunod sa baha, binawian na ng buhay
Siyam na buwang sanggol na nalunod sa baha, binawian na ng buhay (Naga City Government)
Source: Facebook

Sa ulat ng Inquirer, naganap ang kalunos-lunos na sinapit ng sanggol sa Bgy. Calauag, Naga City nitong Lunes ng umaga.

Ayon kay Bgy. Chairwoman Ma. Corazon Peñaflor, maaaring hindi napansin ng mga magulang na nahulog ang sanggol mula sa kanilang higaan.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinubukan pa umano ng Barangay Health Worker na i-CPR ang sanggol at dinala sa ospital, hindi na naisalba pa ang buhay nito.

Read also

Miss Universe 2018 Catriona Gray at mga kasama, ninakawan sa London

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa lamang ang Lungsod ng Naga sa mga lugar na napinsala ng Bagyong Enteng ngayong Setyembre 2. Dahil dito, maraming lugar na rin ang nagkansela ng klase maging hanggang Setyembre 3.

Samantala, nito lamang Hulyo, kalunos-lunos din ang sinapit ng isang mag-anak na ibinabyahe ang bangkay ng kanilang anak.Sa kasamaang palad, maging ang mga magulang ng pumanaw na sanggol ay nasawi rin sa hindi inaasahang aksidente.Sinasabing nawalan ng kontrol ang mister nang magkasagian sila ng kasunod na motorsiklo. Napunta ang sinasakyan ng mag-asawa sa kabilang lane dahilan para sumalubong at sumalpok ito sa pick-up.

Nakita namang yakap ng ina ang ibinabyahe nilang isang buwang gulang na sanggol na wala na talagang buhay. Nasawi naman ito matapos mabilaukan.

Matatandaang sa bagyong Carina noong buwan din ng Hulyo, ilang mga pamilya ang nagsilikas sa kanilang lugar pagbaha. Dahil dito, isang ginang sa Valenzuela City ang hindi na napigilan ang kanyang panganganak at nagsilang ng isang baby girl sa kanilang evacuation center. Isang nursing student na naroon din sa nasabing lugar ang tumulong sa ginang upang maayos pa rin na mailabas ang sanggol na kalauna'y isinunod niya ang pangalan sa bagyo noon na si Carina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica