Ginang sa Valenzuela, nagsilang sa evacuation center sa kasagsagan ng bagyong Carina
- Nagsilang ng isang baby girl ang isang ginang sa Valenzuela City
- Sa tulong ng isang nursing student, naipanganak ang sanggol sa evacuation center
- Isa ang Valenzuela city sa labis na binaha dulot ng Bagyong Carina
- Karamihan sa kalakhang Maynila ay dumanas ng matinding pagbaha dahil sa walang tigil na pag-ulan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang ginang ang nagsilang sa Valenzuela City sa kasagsagan ng bagyong Carina.
Sa post ng Valenzuela City Facebook page, nakilala ang ginang na si Maria Theresa Ragual, isa sa mga evacuee sa Malanday National High School.
Sinasabing baby girl ang anak ni Theresa na kanyang ipinanganak sa nasabing evacuation center sa tulong ng nursing student na si Chinkee Condeza.
At tulad ng inaasahan ng marami, "Carina" ang napiling ipangalan ng ina sa kanyang bagong silang na sanggol.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isa lamang ang Valenzuela City sa labis na sinalanta ng tinaguriang super typhoon Carina.
Matatandaang karamihan sa lugar sa Metro Manila at iba pang karatig probinsya ay binaha dahil sa walang tigil na pag-ulan sa halos tatlong araw.
Dahil dito, marami sa ating mga kababayan ang na-stranded sa iba't ibang lugar at mayroon ding hindi na nakalikas dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig baha.
Samantala, narito ang kabuuan ng post:
Sa pananalasa ng bagyong Carina mula noong Hulyo 22, marami sa ating kababayan ang kinakitaan ng pagmamalasakit sa kapwa. Isa na rito ang CEO at internet star na Rosmar Tan Pamulaklakin na binuksan ang kanyang farm sa Batangas para sa mga binaha partikular na ang pamilyang may matatanda at bata.
Ang aktor naman na si Gerald Anderson ay hindi nagdalawang-isip na lumusong sa baha makatulong lang sa mga pamilyang na-trap sa kani-kanilang tahanan dahil sa taas ng tubig baha.
Samantala, isa naman ang aktor na si Michael De Mesa na nastranded dahil walang kalyeng madaanan dala pa rin ng matinding pagbaha sa Metro Manila. Inabot pa ng halos isang araw bago ma-tow ang kanyang sasakyan at tuluyan siyang makauwi. Labis naman niyang ipinagpapasalamat ang mga tumulong at nagdasal para sa kanyang kaligtasan sa kasagsagan ng matinding bagyong dinanas ng bansa ngayong kalagitnaan ng taong 2024.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh