Michael De Mesa, nakauwi na matapos ma-stranded ng halos isang araw dahil sa baha
- Nakauwi na ang aktor na si Michael De Mesa matapos ma-stranded ng halos isang araw
- Ito ay dahil sa matinding pagbaha dulot ng bagyong Carina
- Bagama't maagang natapos ang kanyang taping, halos wala namang madaanang kalsada para siya't makauwi
- Pinasalamatan ni Michael ang lahat ng tumulong upang siya ay makauwi ng ligtas
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nakauwi na ang aktor na si Michael De Mesa matapos ang 22 oras na pagkaka-stranded dahil sa bagyong Carina.
Sa kanyang Instagram, una nang naibahagi ni Michael na bagama't maagang natapos ang kanilang taping, wala na silang madaanan pauwi dahil sa matinding pagbaha.
"Packed up at 2:30pm and have been stranded here for 5 hours. The roads are impassable due to waist-deep flooding, and my car has malfunctioned from the water I had to drive through earlier," ang naibahagi ni Michael noong Hulyo 24.
Ngayong Hulyo 25 ng tanghali, muling nag-post si Michael na na-tow na ang kanyang sasakyan, dahilan upang siya'y tuluyan nang makauwi.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Finally being towed after more than 22 hours of being stuck. Maraming salamat, NJP Towing!"
Pinasalamatan din niya ang iba pang mga taong tumulong at nagdasal para sa kanyang kaligtasan.
"A heartfelt thanks to everyone who reached out, sent assistance, and shared their heartfelt messages. I deeply appreciate your kindness and support. My thoughts and prayers are with those in more difficult situations."
Narito ang kabuuan ng kanyang post na ibibahagi rin ng Philstar Life:
Si Michael Edward Gil Eigenmann na mas kilala bilang si Michael de Mesa ay isang actor at director sa bansa. Kapatid siya ng mga namayapang artista na sina Cherrie Gil at Mark Gil. Naging bahagi rin siya ng teleseryeng Ang Probinsyano ni Coco Martin.
Tulad ni Michael, marami sa ating mga kababayan ang labis na naapektuhan ng bagyong Carina. Ito ay dahil sa hindi inaasahang pagbaha sa Metro Manila at iba pang karatig lugar. Gayunpaman, isa na rito ang aktor na si Gerald Anderson sa mga personal na tumulong sa mga pamilyang na-trap sa kani-kanilang tahanan sa kasagsagan ng pagbaha dahil sa nasabing bagyo.
Samantala, binuksan naman ni Rosmar Tan sa publiko ang kanyang resort sa Batangas para sa mga nasalanta ng Bagyong Carina. Aniya, wala umanong babayaran ang pagtuloy ng mga biktima ng baha lalo na yung mga matatanda at may kasamang bata.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh