Ina ni Carlos Yulo sa posibilidad na magkaayos silang mag-ina: "Dependa 'yan"

Ina ni Carlos Yulo sa posibilidad na magkaayos silang mag-ina: "Dependa 'yan"

- Natanong ang ina ni Carlos Yulo tungkol sa posibilidad na magkaayos sila ng kanyang anak

- Aminado rin ito na masama ang loob sa akusasyong siya umano ay 'nagnakaw'

- Sa naturang panayam, naidetalye rin niya ang tungkol sa incentives noon ni Carlos na umano'y nakuha na rin nito

- Matatandaang kasabay ng karangalan ng "golden boy" sa Paris 2024 Olympics ay ang paglabas ng umano'y isyu nila ng kanyang ina

Sa panayam ng ABS-CBN News sa ina ni Carlos Yulo na si Angelica, natanong ito kung maaring magkaayos pa rin silang mag-ina.

Ina ni Carlos Yulo sa posibilidad na magkaayos sila: "Dependa 'yan"
Ina ni Carlos Yulo sa posibilidad na magkaayos sila: "Dependa 'yan" (Angelica Poquiz Yulo)
Source: Facebook

Direstsahang nasabi ni Angelica na tila hindi ito mangyayari sa ngayon.

"Pag-uwi niya no? Depende yan e. Kung ako ang lalapit, hindi ko talaga gagawin. Especially now, sa mga nangyayari? Mamaya sabihan ako na porke't nanalo? O after kami sa pera kasi nanalo?"

Inamin din nito ang sama ng loob na naramdaman sa mga akusasyon sa kanya sa umano'y paglustay sa natanggap na incentives noon ni Carlos.

Read also

Carlos Yulo, dinipensahan ang GF: "Si Chloe po may sarili siyang income"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Masama ang loob ko. Andun yung pain e. Na parang sabihan ka ng anak mo na magnanakaw. Na parang gusto kong sabihin na, asan yung ninakaw? Na ganun pa rin naman kami, tulad ng dati. ung hindi pa siya nagkakapera. Nung nagkapera siya, walang nagbago sa lifestyle namin. Meron naman, konti."

Paliwanag pa ng ina ni Carlos na ito ay dahil umano sa panganay niyang anak na nakakaluwag na rin sa buhay.

"Kasi 'yung eldest ko medyo maganda yung pumapasok na blessings sa eldest ko e, tapos ayun nati-treat niya ako, international. HIndi lang yun, siya yung katulong ko sa panggastos dito sa bahay. Siya yung nagbabayad ng tubig at ilaw. And ako naman yung sa internet at sa foods namin."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Read also

Xian Gaza, napa-react sa inilabas na pahayag ni Carlos Yulo

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa vault at floor exercises. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa edad na pito at nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral at mag-ensayo sa Japan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.Ngayong Agosto 4, lalaban muli sa isa pang kategorya si Yulo, kung saan umaasa ang marami na makapag-uuwi muli siya ng isa pang ginto para sa Pilipinas.

Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gumnastics, Men's Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.

Nasundan pa umano ito ng ilang sinasabing reaksyon ng girlfriend nitong si Chloe San Jose sa umano'y isyu na ito ng mag-ina na sa kasamaang palad ay lumitaw sa kasagsagan ng tagumpay na natamo ni Carlos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica