Xian Gaza, napa-react sa inilabas na pahayag ni Carlos Yulo

Xian Gaza, napa-react sa inilabas na pahayag ni Carlos Yulo

- Napa-react si Xian Gaza sa pahayag na inilabas ng tinaguriang "golden boy" na si Carlos Yulo

- Sa video, nagsalita na si Carlos kaugnay sa umano'y hindi pagkakaunawaan nila ng kanyang ina

- Dahil dito, nagbigay ng kanyang opinyon si Xian lalo na sa kung paano ginawa ni Carlos ang video kaugnay nito

- Gayunpaman, ang buong bansa ay nagdiriwang sa dalawang gintong medalyang maiuuwi ni Carlos na tunay na nagbigay karangalan sa Pilipinas

Agad na nagbigay reaksyon si Xian Gaza sa pahayag na inilabas ni Carlos Yulo patungkol sa umano'y isyu nila ng kanyang ina.

Xian Gaza, napa-react sa inilabas na pahayag ni Carlos Yulo
Xian Gaza, napa-react sa inilabas na pahayag ni Carlos Yulo (Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Ani Xian, tama lamang ang ginawa umano ni Carlos upang matapos na umano ang isyu na tila sumabay pa sa kasalukuyang pagdiriwang na lamang sana ng pagbibigay niya ng dalawang gintong medalya sa bansa.

"Tama lang yung ginawang official statement video ni Carlos para matapos na once and for all. Anong respetuhin niya ang magulang, hindi nga siya nirespeto ng nanay niya e. Hindi nun deserve na respetuhin in return and at the same time, siya yung nagdala publicly nitong issue na 'to. So 'yung tao, ang ating pambansang bayani napilitan tuloy magsalita. I-clarify ang mga bagay-bagay. So 'wag niyo siyang sisisihin na sini-settle niya 'yung problema publicly. 'Yung nanay niya ang nagpasimula tinapos lang niya, 'yun lang 'yun. 'Bat siya yung sinisi niyo?"

Read also

Xian Gaza, nagbahagi ng payo tungkol sa pagpili ng partner

Subalit, aminado si Xian na may napansin umano siyang hindi na sana umano isinama pa ni Carlos sa paglalabas niya ng pahayag.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Isa lang yung nakikita kong sablay. May alitan yung girlfriend niya at the same 'yung nanay niya 'di ba? So dapat 'dun sa video, dapat... mag-isa lang siya."
"E andun yung babae. Tumatawa-tawa pa, nabawasan tuloy ng authenticity. Parang may coaching 'dun na nangyari. Sana mag-isa nalang siya, wala nang background na tumatawa-tawa. Nakasira lang."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging reaksyon:

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa vault at floor exercises. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa edad na pito at nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral at mag-ensayo sa Japan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.Ngayong Agosto 4, lalaban muli sa isa pang kategorya si Yulo, kung saan umaasa ang marami na makapag-uuwi muli siya ng isa pang ginto para sa Pilipinas.

Read also

Carlos Yulo, sunod na paghahandaan ang LA 2028 Olympics

Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gumnastics, Men's Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.

Nasundan pa umano ito ng ilang sinasabing reaksyon ng girlfriend nitong si Chloe San Jose sa umano'y isyu na ito ng mag-ina na sa kasamaang palad ay lumitaw sa kasagsagan ng tagumpay na natamo ni Carlos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica