BINI Maloi, may makulit na komento sa bumati kay Carlos Yulo
- Kinagiliwan ng marami ang naging komento ni BINI Maloi sa isa sa mga bumati kay Carlos Yulo
- Sa naturang post, makikita kasing tila malaki pa ang larawan ng bumati kaysa kay Yulo
- Si Yulo ang nakasungkit ng unang gintong medalya mula sa Paris Olympics 2024
- Samantala, si Maloi naman ay abala sa kabi-kabilang shows ng grupo nilang BINI
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Marami ang naaliw sa naging reaksyon ni Maloi Ricalde ng BINI sa isang congratulatory post para kay Carlos Yulo.
Sa naturang post, kapansin-pansin na mas malaki pa umano ang larawan ng gumawa ng greeting kaysa sa binati nitong gold medalist na si Carlos Yulo.
Dahil dito, ang nag-post na si Keneth Barquio ang binati ni Maloi.
"Congrats Keneth," ang caption ng shared post ni Maloi.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, inulan naman nito ng mga nakakaaliw ding komento mula sa netizens. Narito ang ilan:
"Congratulations Maloi! For congratulating Keneth who cogratulates Yulo!"
"Congrats boss, baka Keneth yan"
"Congrats Keneth and Carlos! Pati si Maloi binati ka na!"
"Sino po ba ang dapat na i-congratulate? Nalito na po ako."
Narito naman ang kabuuan ng post:
Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa vault at floor exercises. At nito lamang Agosto 3, nasungkit ni Carlos ang ikalawang ginto ng Pilipinas sa kasaysayan ng paglahok nito sa olympics kung saan si Hidilyn Diaz ang unang nag-uwi ng gintong medalya mula sa 2020 Tokyo Olympics.
Samantala, si Maloi Ricalde ay miyembro ng sikat ng Pinoy girl group ngayon ang BINI. Binubuo ito nina Aiah, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Maloi, Jhoanna at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi" at marami pang iba.
Matapos ang matagumpay at sold-out nilang 3-day concert noong Hunyo, pinakaaabangan naman ngayon ang Grand BINIverse na gaganapin sa Araneta Coliseum sa November 16 at 17. Sa unang anunsyo, Oktubre 4 sana ang nasabing big event subalit kinailangan umano itong malipat sa ibang petsa at ginawa pa nila itong dalawang araw.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh