BINI, naglabas ng pahayag bakit wala si Jhoanna sa KCon sa Los Angeles

BINI, naglabas ng pahayag bakit wala si Jhoanna sa KCon sa Los Angeles

- Hindi nakasama si Jhoanna Robles ng BINI sa KCON na ginaganap ngayon sa Los Angeles California

- Naglabas ng opisyal na pahayag ang Star Magic ukol sa kalagayan ni BINI Jhoanna

- Matatandaang naging matagumpay 3-day concert ng grupo maging ang iba pa nilang shows matapos ito

- Pinakaabangan naman ng marami ang Grand BINIverse na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Nobyembre

Hindi nakasama ang BINI member na si Jhoanna Robles sa KCON 2024 na ginaganap sa Los Angeles.

BINI Jhoanna, hindi mapapanood sa KCON sa Los Angeles
BINI Jhoanna, hindi mapapanood sa KCON sa Los Angeles (BINI_ph)
Source: Facebook

Sa inilabas ng opisyal na pahayag ng Star magic gayundin ng BINI, sinabing nagkaroon ng unanticipated health issue si Jhoanna.

Sinisiguro naman umano na namo-monitor ang kanyang kalagayan habang siya ay nagpapagaling.

Samantala, tuloy pa rin ang pagpapabilib ng pito pang miyembro ng grupong BINI sa nasabing event kung saan may ilang nagbahagi na ng kanilang performance ng 'Cherry on Top.'

Read also

Lalaking biglang tumalon sa binahang Recto underpass sa Maynila, hindi pala marunong lumangoy

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ilang kababayan nating Pinoy ang makikitang todo-todo ang suporta sa BINI.

Samantala, matapos ang matagumpay at sold-out nilang 3-day concert noong Hunyo, pinakaaabangan naman ngayon ang Grand BINIverse na gaganapin sa Araneta Coliseum sa November 16 at 17. Sa unang anunsyo, Oktubre 4 sana ang nasabing big event subalit kinailangan umano itong malipat sa ibang petsa at ginawa pa nila itong dalawang araw.

Ang BINI ay isang popular na Pinoy Pop girl group sa Pilipinas. Binubuo ito nina Aiah, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Maloi, Jhoanna at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi" at marami pang iba.

Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.

Read also

Rider na nagsauli ng nakitang Php3 million na tseke sa RTIA, nagantimpalaan

Kamakailan, matagumpay nilang nadaos ang 3-day concert sa Quezon City na sinundan ng ilan pang mga BINIverse shows sa Baguio, Cebu at ngayo'y sa GenSan. Ilang araw lamang mula nang ilabas nila ang official music video ng bago nilang awitin na 'Cherry on top' sa YouTube, pumalo na ito sa 10 million views.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: