BINI Sheena, sa pangarap lang niya noong maging dancer: "Ngayon, Jabbawockeez na 'ko"

BINI Sheena, sa pangarap lang niya noong maging dancer: "Ngayon, Jabbawockeez na 'ko"

- Mabilis na nag-viral ang video na kuha sa BINIverse concert sa GenSan

- Lalo na ang bahagi kung saan sinabi ni BINI Sheena ang kanya umanong pangarap

- May kaugnayan ito sa naisipan nilang isuot nang sila ay patungo pa lang sa GenSan

- Matatandaang minsan silang naging usap-usapan dahil umano sa pagsusuot nila ng face mask kung sila ay bumibyahe

Kinagiliwan ng marami ang video na kuha sa BINIverse concert sa GenSan kung saan binabanggit na ng mga miyembro ang mga pangarap nilang unti-unti na umanong natutupad.

BINI Sheena, sa pangarap lang niya noong maging dancer: "Ngayon, Jabbawockeez na 'ko"
BINI Sheena, sa pangarap lang niya noong maging dancer: "Ngayon, Jabbawockeez na 'ko" (BINI_ph)
Source: Facebook

Partikular na rito ang nabanggit ni Sheena na may kaugnaysan sa naisip nilang isuot nang sila'y patungo pa lang sa nasabing lugar.

"Pangarap ko lang maging dancer. Ngayon, Jabbawockeez na 'ko," ani Sheena.

Ang Jabbawockeez ay sikat na dance group na agaw-eksena ang performance dahil sa pagsusuot nila ng facemask.

Read also

Rosmar, ibinibenta na umano ang kanyang R Mansion and Restobar sa Laguna

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila ito ang pinagkunan ng ideya ng BINI nang magsuot sila ng maskara nang sila'y bumiyahe sa GenSan.

Sinasabing ito umano ang tugon ng grupo nang mabatikos ang pagsusuot nila madalas ng face mask, shades at cap tuwing bumibiyahe.

Ayon sa ilan, dinaig pa umano ng grupo ang ibang mga sikat na artistang kailanma'y hindi nagtago sa publiko.

Gayunpaman, nagawa namang ipagtanggol ng iba ang BINI na pawang ang kanilang seguridad ang iniisip.

Matatandaang dalawang insidente ang nabalita kung saan hindi na nagkaroon ng pribadong oras si BINI Maloi kasama ang kanyang pamilya nang sila'y kumain sa isang restaurant. HIndi naman nalalayo rito ang sinapit ni BINI Aiah sa isang bar kung saan muntik na umano siyang masunggaban ng isang lalaking kalauna'y humingi ng tawad sa kanya. Naganap ito sa oras ng kanilang pahinga matapos ang matagumpay na 3-day concert nila sa New Frontier.

Read also

Kris Aquino, uuwi na sa Pilipinas sa September ayon kay Bimby

Narito ang bahagi ng video na naibahagi rin ng TikTok user na si @sshenmagss

Ang BINI ay isang popular na Pinoy Pop girl group sa Pilipinas. Binubuo ito nina Aiah, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Maloi, Jhoanna at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi" at marami pang iba.

Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.

Kamakailan, matagumpay nilang nadaos ang 3-day concert sa Quezon City na sinundan ng ilan pang mga BINIverse shows sa Baguio, Cebu at ngayo'y sa GenSan. Ilang araw lamang mula nang ilabas nila ang official music video ng bago nilang awitin na 'Cherry on top' sa YouTube, pumalo na ito sa 10 million views.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Hot:
iiq_pixel