BINI Colet, nakatanggap ng bagong blessing mula sa kanyang bayang sinilangan
- Isa na namang biyaya ang nakamit ni Colet Vergara ng grupong BINI
- Matapos ang matagumpay nilang concert, nabigyan naman siya ng plaque of recognition
- Kanyang mga magulang tumanggap nasabing pagkikilala
- Inulan ng pagbati si Colet lalo na ng mga proud Tagbilaranons
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nakatanggap ng bagong blessing si Maria Nicolette F. Vergara o mas kilala bilang BINI Colet mula sa Tagbilaran City, Bohol.
Kinilala siya ng sinilangan lugar dahil umano sa kanyang dedikasyon sa musika dahilan upang maging inspirasyon sa kanyang kapwa Tagbilaranons.
Bagama't hindi personal na tinanggap ni Colet ang plaque of recognition sa 58th Tagbilaran City Charter Day, naroon naman ang kanyang proud parents upang tanggapin ito.
Matatandaang katatapos lamang ng tatlong araw na sold out concert ng kanilang grupo na ginanap noong Hunyo 28 hanggang 30 sa New Frontier Theater.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi pa rito nagtatapos ang kasiyahan ng mga fans nila na kung tawagin ay 'Blooms', gayung inanunsyo na rin ng grupo ang grand BINIverse concert nila na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating na Oktubre.
Samantala, narito ang video ng pagtanggap ng mga magulang ni Colet ng nasabing pagkilala na ibinahagi rin ng TikTok user na si @sananicolet:
Ang BINI ay isang popular na Pinoy Pop girl group sa Pilipinas. Binubuo ito nina Aiah, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Maloi, Jhoanna at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi" at marami pang iba.
Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.
Isa sa mga maituturing na fan ng grupo ang anak ni Jhong Hilario na si Sarina. Minsang naibahagi ni Direk Lauren Dyogi ang video ng pagkikita nina Sarina at kanyang paboritong PPop group. Sa kalalabas na video ni Sarina, hiniling nitong mapanood ang concert ng BINI subalit 7-anyos pataas lamang ang pwedeng dumalo. Kaya namang tuwang-tuwa siya nang makita ang mga ito sa isang event sa Makati.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh