Carlos Yulo, makatatanggap ng fully-furnished condo unit na may nakakalulang halaga
- Sa pagsungkit niya ng ginto sa 2024 Paris Olympics, makatatanggap din si Carlos ng iba pang gantimpala
- Isa na rito ang condominium unit sa McKinley Hill na handog sa kanya ng Megaworld corporation
- Marami pang nag-aabang na premyo para kay Carlos sa pag-uuwi ng isa na namang ginto sa bansa
- Samantala, ngayong Agosto 4, isa pa muling kategorya ang lalabanan ni Carlos at umaasa ang marami sa isa pa muling ginto na maiuuwi nito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nakakalula ang halaga ng mga gantimpalang nag-aabang kay Olympic gold medalist Carlos Yulo pagbalik niya sa Pilipinas.
Sa pagbati sa kanya ng Megaworld Corporation, inanunsyo rin nito na isang fully-furnished na condominium unit na nagkakahalaga ng Php24 million ang handog nila sa gold medalist.
"IT'S A GOLD FOR THE PHILIPPINES! Congratulations Carlos Yulo! Welcome to your McKinley Hill home!"
Samantala, isa lamang ito sa inaasahang umaapaw na gantimpala kay Carlos na nagbigay muli ng isa pang ginto sa bansa sa larangan ng pampalakasan.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Narito ang kabuuan ng post:
Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa vault at floor exercises. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa edad na pito at nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral at mag-ensayo sa Japan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.Ngayong Agosto 4, lalaban muli sa isa pang kategorya si Yulo, kung saan umaasa ang marami na makapag-uuwi muli siya ng isa pang ginto para sa Pilipinas.
Matatandaang isa rin sa ipinagmamalaki ng Pilipinas pagdating sa pampalakasan ay si Hidilyn Diaz. Hindi nito napigilang maging emosyonal matapos niyang maiuwi ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Olympic Games noong 2021. Tinalo ni Hidilyn ang pambato ng China na si Liao Qiuyun na nakakuha ng silver at bronze naman para kay Zulfiya Chinshanlo ng Kazakhstan.
Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gumnastics, Men's Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh