Arestadong data security officer, umamin sa pangha-hack sa Belo Medical Group database

Arestadong data security officer, umamin sa pangha-hack sa Belo Medical Group database

- Inamin ni "Kangkong," isang data security officer, ang pag-hack sa database ng Belo Medical Group

- Nakakuha siya ng impormasyon mula sa database ng BMG, kabilang ang records ng mga kilalang personalidad

- Sinabi ng National Privacy Commissioner na hindi inabisuhan ang NPC ng data breach ng BMG

- Naghayag ang BMG ng buong pakikipagtulungan sa imbestigasyon upang masiguro ang data security

Isang data security officer na kabilang sa mga naaresto dahil sa pag-hack ng iba't ibang pribado at pampublikong website, bangko, at mga Facebook account ang umamin na nakapasok siya sa system ng Belo Medical Group (BMG). ayon sa ulat ng ABS-CBN news.

Arestadong data security officer, umamin sa pangha-hack sa Belo Medical Group database
Arestadong data security officer, umamin sa pangha-hack sa Belo Medical Group database
Source: Youtube

Sa isang ulat ng TV Patrol, sinabi ng hacker na kilala bilang "Kangkong" na na-download niya ang database ng beauty clinic at nakuha ang mga rekord ng kilalang celebrities at personalidad. Nang tanungin tungkol sa dahilan ng kanyang pag-hack sa sikat na beauty clinic, sinabi ni Kangkong, "Wala, nacurious lang po ako."

Read also

Kulot, nagpa-wow sa marami sa husay ng acting niya sa Showing Bulilit

Ayon sa National Bureau of Investigation, nakuha ng hacker ang mga pangalan ng mga kliyente, pati na rin ang kanilang mga address, edad, contact numbers, kaarawan, bayad, credit card o bank account numbers, email addresses, at iba pa. Gayunpaman, iginiit ni Kangkong na hindi niya ibinenta ang database ng medical aesthetics center. "Never po akong kumita sa mga data. Usually ang ginagawa ko kapag nakakakuha akong website, kapag nadownload ko, malilimutan ko na siya," ani Kangkong.

Sa isang pahayag na ipinadala sa news outlet, sinabi ng BMG na sila ay makikipagtulungan sa imbistigasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Victoria Gonzales Belo, o mas kilala sa ng publiko kanyang screen name na Vicki Belo, ay isa sa mga pinakatanyag na dermatologists at cosmetic surgeons sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Bukod sa kanyang matagumpay na karera sa medikal na larangan, si doktora Belo ay isa ring aktibong lector sa iba’t ibang organisasyon sa larangan ng cosmetic surgery.

Read also

BDO, naglabas ng pahayag sa viral video ng kustomer na nawalan ng P345,000

Sa inihandang sorpresa ni Hayden Kho para sa asawang si Vicki Belo, isang mensahe ang kanyang ibinahagi sa pamamagitan ng isang sulat. Hindi naman napigilan ni Dra. Belo na maluha sa inihandang mensahe ng kanyang mister. Ibinahagi ni Hayden ang kanyang pagpapahalaga sa misis at kung gaano ito kahalaga sa kanyang buhay. Marami ang kinilig sa sopresang ito ni Hayden sa kanyang asawa.

Ayon kay Dra.Belo, matagal niya nang gustong bumili ng sasakyan mula sa isang luxury brand. Gayunpaman, dahil may kamahalan ito, lagi umanong nagbabago ang kanyang isip at hindi natutuloy ang kanyang balak na bilhin ang kanyang dream car. Ayon naman kay Hayden Kho, mula sa anak nilang si Scarlet Snow ang ideya tungkol sa regalong ito. Dagdag pa niya, ito naman umano ang panahon na matupad naman ang wish ni Dra. Belo dahil ito na lang umano ang laging tumutupad sa mga wish ng mga taong malapit sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel