Ama ng triplets na panauhin ng Toni Talks, emosyonal sa kanyang Father's day post

Ama ng triplets na panauhin ng Toni Talks, emosyonal sa kanyang Father's day post

- Isang nakakaantig ng pusong post ang naibahagi ni Joel Regal para sa Father's Day

- Matatandaang si Joel ang nagpaluha sa marami sa Father's Day episode ng Toni Talks

- Maging sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga ay nagpasalamat na rin siya sa mga taong tumulong sa kanya

- Si Joel ay minsan nang nag-viral matapos pumanaw ng kanyang misis sa panganganak ng kanilang triplets

Tagos sa puso ang naging Father's Day post ni Joel Regal. Matatandaang si Joel ay ang panauhin ni Toni Gonzaga sa Toni Talks YouTube channel nito sa nasabing araw.

Ama ng triplets na panauhin ng Toni Talks, emosyonal sa kanyang Father's day post
Ama ng triplets na panauhin ng Toni Talks, emosyonal sa kanyang Father's day post (Joel Orbello Regal)
Source: Facebook

Sa kanyang post, tila hindi na niya namalayang tatlong taon na siyang nagdiriwang ng Father's Day dahil sa kanyang 'tatlong prinsesa.'

"Tatlong taon na din pala mula nung maging tatay ako sa aking mga munting prinsesa maraming pagsubok na akala ko hindi ko na din kakayanin pero eto ako ngayon hindi ko namalayan naka survive ako sa mga pagsubok na akala ko susukuan ko na din," bahagi lamang ito ng caption ng kanyang post.

Read also

Diwata, nakipagsabayan sa ilang kilalang artista sa sagala sa Malabon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, maging sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, emosyonal niyang pinasalamatan ang mga taong sumuporta at tumulong sa kanya sa pagtataguyod ng kanyang mga supling.

Masasabing hindi raw siya pinabayaan ng Diyos sa matinding pagsubok na ito gayung kahit hindi siya umiinda ng tulong, kusa na raw umano itong dumarating.

Narito ang kabuuan ng naging panayam sa kanya ni Toni Gonzaga na nagpaluha sa marami maging sa nasabing host.

Si Joel Regal ay minsan nang nag-viral nang maibahagi niya ang kwento ng pagiging solo parent niya sa kanyang triplets na mga anak. Pumanaw ang kanyang misis sa umno'y naging komplikasyon sa kanyang panganganak. Mula noo'y si Joel na ang nagtaguyod sa kanyang mga prinsesa, sa tulong ng kanyang biyenan at ibang kaanak na nagmamalasakit sa kanilang mag-aama.

Read also

Diwata, ibinida ang kanyang bonggang outfit para sa pagrampa niya sa sagala sa Malabon

Samantala, inspirasyon din umano ang hatid ng social media personality at businessman na si Diwata nang maging panauhin din ito ni Toni sa kanyang Toni Talks YouTube channel. Doon naikwento ni Diwata na ang dati niyang nakaalitan ay isa na ngayong empleyado sa kanyang paresan. Bukod sa umano'y nagkaayos na sila, natulungan pa niya ito na magkaroon ng kabuhayan.

Matatandaang kamakailan ay dinagsa ang grand opening ng Quezon City branch ng Diwata Pares Overload ni Diwata. Ipinasilip din niya ang mga bago sa menu ng Diwata Pares Overload. ilan sa mga ito ay 'Diwata Sokoleyt overload', 'Diwata Hotdog Overload', 'Diwata Family Siken' at 'Diwata Spagiti Overload'.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel