Kasambahay ni Keith Talens na si Yaya Jina, napatalon sa sorpresa ng mga amo sa kanya

Kasambahay ni Keith Talens na si Yaya Jina, napatalon sa sorpresa ng mga amo sa kanya

- Napatalon sa tuwa si Yaya Jina sa sorpresa sa kanya ng kanyang among si Keith Talens

- Ito ay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan kung saan bukod sa pamilya ni Keith ay naroroon din ang iba nilang kasama sa bahay

- Lingid sa kaalaman niya ay prank pala ang money box na nagkakahalaga ng 500,000

- Gayunpaman, napayakap siya sa mga amo nang iabot sa kanya ang cash na regalo nila sa kanya na minabuti nilang huwag nang ipaalam ang halaga

Napatalon sa tuwa si Yaya Jina, ang kasambahay ni Keith Talens, sa sorpresa sa kanya ng kanyang amo. Ipinagdiwang ng pamilya ni Keith ang kaarawan ni Yaya Jina, kung saan naroon din ang iba nilang kasama sa bahay upang maki-celebrate.

Kasambahay ni Keith Talens na si Yaya Jina, napatalon sa sorpresa ng mga amo sa kanya
Kasambahay ni Keith Talens na si Yaya Jina, napatalon sa sorpresa ng mga amo sa kanya
Source: Youtube

Sa isang bahagi ng selebrasyon, binigyan si Yaya Jina ng isang money box na sa kanyang pagkakaalam ay naglalaman ng 500,000. Ngunit, ito pala ay isang prank. Sa kabila ng prank, labis pa rin ang kanyang pasasalamat at kagalakan nang iabot sa kanya ng kanyang mga amo ang tunay na cash na regalo para sa kanya.

Read also

Andrea Brillantes nagbahagi ng payo sa kanyang mga kaedad: "Be single"

Napayakap si Yaya Jina sa kanyang mga amo matapos tanggapin ang regalo, na bagaman hindi ipinaalam ang eksaktong halaga, ay nagdulot pa rin ng labis na kasiyahan at pasasalamat mula sa kanya. Ang espesyal na araw na ito ay nagpakita ng masayang samahan nina Yaya Jina at ng pamilya ni Keith Talens, na nagpapakita ng kanilang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang nakilala si Keith Talens sa mundo ng pagvo-vlog kasama ang kanyang pamilya at mga kasambahay at empleyado. Ang kanyang YouTube channel ay mayroong subscribers na umabot sa mahigit tatlong milyon.

Matatandaang nagkaharap na ang driver ng YouTuber na si Keith Talens at guard sa viral video. Makikita sa viral video ang pambubugbog ng driver na si Mang Jun sa guard na pinangalanang si Harold Domer. Desidido naman ang guard na ituloy ang kaso sa driver pati na rin sa vlogger na tinuturong nag-udyok sa driver. Napagpasyahan ni Raffy Tulfo na isailalim ang dalawa sa lie detector test para makatulong sa pagtukoy kung nagsasabi sila ng katotohanan.

Binahagi ni Andrew Schimmer sa kanyang Facebook post na pinasok na rin niya ang pagbebenta ng beauty products. Kasama niya sa naturang negosyo si Keith Talens sa isa niyang post. Marami naman ang nakapansin sa binahagi niyang picture na hindi kagaya sa mga pictures niya nitong nakaraan. Kapansin-pansin na nakangiti na ito at marami sa kanyang mga followers ang masaya na nakikitang unti-unti nang nakakabangon ang aktor.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel