Driver ng YouTuber na si Keith Talens at guard sa viral video, nagkaharap na

Driver ng YouTuber na si Keith Talens at guard sa viral video, nagkaharap na

- Nagkaharap na ang driver ng YouTuber na si Keith Talens at guard sa viral video

- Makikita sa viral video ang pambubugbog ng driver na si Mang Jun sa guard na pinangalanang si Harold Domer

- Desidido naman ang guard na ituloy ang kaso sa driver pati na rin sa vlogger na tinuturong nag-udyok sa driver

- Napagpasyahan ni Raffy Tulfo na isailalim ang dalawa sa lie detector test para makatulong sa pagtukoy kung nagsasabi sila ng katotohanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkaharap na sa wakas ang driver ng YouTuber na si Keith Talens at guard sa viral video. Naunang pumunta ang driver na kinilalang si Mang Jun upang linisin ang pangalan niya matapos ipakalat diumano ng kampo ng dating amo ang video ng pambubugbog niya sa guard na kinilalang si Harold Domer.

Isa sa mga kinuwestiyon ni Mr. Tulfo ay ang pagkuha ng video ng pambubugbog na tila alam na alam ng nagvivideo na may gagawin si Mang Jun. Nauna nang nasabi ng driver na sinet-up siya ng dating amo para mapaalis mataos diumano mabuking ang pambababae nito.

Depensa ni mang Jun, bilang driver, wala siyang anumang karapatan na ibuyo ang kanyang amo na mambabae salungat sa pinapalabas diumano ng kabilang kampo na binubuyo niya ang amo.

Isa din sa inireklamo ng driver ay ang pagpapalabas ng mga detalye niya sa isang court document nang minsan ay gawin siyang star witness diumano sa isang kaso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon naman sa guard at kanyang asawa, sumagi din sa isip nila na posibleng ang vlogger ang nasa likod ng pambugbog. May isang tao pa umanong nakipag-ugnayan sa kanila at nagpadala ng apat na libong piso sa isang remittance center.

Panoorin ang video dito:

Matatandaang nakilala si Keith Talens sa mundo ng pagvo-vlog kasama ang kanyang pamilya at mga kasambahay at empleyado. Ang kanyang YouTube channel ay mayroong subscribers na umabot sa mahigit salawang milyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Carla Abellana is set to do drama series again. The Kapuso star revealed that she felt nervous with this comeback as she's been only doing romantic comedy series for the past three years! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel