Viral resort sa Bohol, nagkusa nang magsara matapos mag-viral
- Nagkusa na ang viral resort sa Bohol na magsara ng kanilang resort kasunod ng mga reaksiyon sa kanilang resort
- Aminado sila na hindi talaga resort ang naunang plano nila nang bilhin nila ang lupa at sinubukan pang magtanim pero hindi hindi din daw naging matagumpay dahil acidic daw ang lupa
- Sa kanilang Facebook page ay naglabas ng anunsiyo ang resort na sarado sila
- Matatandaang, umani ng mga komento ang Captain’s Peak Garden & Resort matapos mag-viral ang video ng vlogger na si Ren the Adventurer
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagkusa nang magsara ang may-ari ng Captain’s Peak Garden & Resort, ang viral na resort sa Bohol sa gitna ng mga Chocolate Hills. Sa kanilang Facebook Page, humingi sila ng dispensa sa kanilang mga customers.
Sa ulat ng One PH, aminado sila na hindi talaga resort ang naunang plano nila nang bilhin nila ang lupa at sinubukan pang magtanim pero hindi hindi din daw naging matagumpay dahil acidic daw ang lupa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang Chocolate Hills ay isang natural na pormasyon ng lupa na matatagpuan sa lalawigan ng Bohol sa Pilipinas. Ito ay binubuo ng libu-libong hugis-bundok na pinaniniwalaang mga 1,268 hanggang 1,776 na mga burol. Ang bansag na "Chocolate Hills" ay mula sa kanilang kulay na nagiging katulad ng tsokolate kapag tuyo ang mga damuhan sa paligid, partikular na sa tag-init. Ito ay isang tanyag na atraksyon sa turismo sa Pilipinas at isa sa mga pinakakilalang simbolo ng Bohol at ng bansa.
Nag-trending sa social media ang chocolate hills kasunod ng pag-viral ng video na binahagi ng isang vlogger. Makikita sa video na binahagi ng Facebook page na Ren The Adventurer, ang isang pool at mga amenities nito sa gitna ng mga burol. Makikita ito sa Sagbayan, Bohol at marami ang nag-react lalo na sa X dahil marami ang naniniwalang hindi nakaganda at nakabuti ang pagpapatayo ng resort na ito.
Naglabas ng statement ang Department of Environment ang Natural Resources (DENR) kasunod ng pag-trending ng isang resort sa Bohol. Sa statement, nilinaw ng kagawaran ang tungkol sa pagdeklara sa Chocolate Hills bilang National Geological Monument and Protected Landscape na naganap noong 1997. Kapag ang isang lupa na bahagi ng naturang attraction ay natituluhan bago pa madeklarang protected area ang Chocolate hills ay 'recognized and respected' ang kanilang karapatan sa kanilang lupa. Gayunpaman, noong nakaraang taon raw ay naglabas ng temporary closure order noong 2023 para sa Captain's Peak Resort.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh