Chocolate Hills, trending dahil sa tinayong resort sa gitna ng mga burol

Chocolate Hills, trending dahil sa tinayong resort sa gitna ng mga burol

- Nag-trending sa social media ang chocolate hills kasunod ng pag-viral ng video na binahagi ng isang vlogger

- Makikita sa video na binahagi ng Facebook page na Ren The Adventurer, ang isang pool at mga amenities nito sa gitna ng mga burol

- Makikita ito sa Sagbayan, Bohol at marami ang nag-react lalo na sa X dahil marami ang naniniwalang hindi nakaganda at nakabuti ang pagpapatayo ng resort na ito

- Ang chocolate hills ay binubuo ng libu-libong hugis-bundok na pinaniniwalaang mga 1,268 hanggang 1,776 na mga burol

Usap-usapan sa social media ang Chocolate Hills sa Bohol matapos mag-viral ang video ng binahagi sa Facebook page na Ren The Adventurer. Dito ay makikita ang isang resort na napapaligiran ng mga burol.

Chocolate Hills, trending dahil sa tinayong resort sa gitna ng mga burol
Chocolate Hills, trending dahil sa tinayong resort sa gitna ng mga burol
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Ogie Diaz, may mensahe sa mga 'Gen Z' parents: "Wag OA!"

Ito ay matatagpuan sa Sagbayan, Bohol ngunit ang mas kilala ng mga tao na malimit pasyalan ay ang nasa Carmen, Bohol.

Samantala, makikita ang mga burol sa iba't-ibang bayan sa Bohol na kinabibilangan ng Carmen, Batuan at Sagbayan.

Ang Chocolate Hills ay isang natural na pormasyon ng lupa na matatagpuan sa lalawigan ng Bohol sa Pilipinas. Ito ay binubuo ng libu-libong hugis-bundok na pinaniniwalaang mga 1,268 hanggang 1,776 na mga burol. Ang bansag na "Chocolate Hills" ay mula sa kanilang kulay na nagiging katulad ng tsokolate kapag tuyo ang mga damuhan sa paligid, partikular na sa tag-init. Ito ay isang tanyag na atraksyon sa turismo sa Pilipinas at isa sa mga pinakakilalang simbolo ng Bohol at ng bansa.

Kamakailan, maging ang aktor na si Rayver Cruz ay nagbahagi ng mga picture nila nang bumisita sila ng kanyang pamilya sa Bohol. Pinasalamatan niya ang kanyang kuya na si Rodjun Cruz para sa kanilang bakasyon. Binahagi niya rin ang pagtugtog niya ng ukulele kasama ng mga taga-roon. Sinubukan niya ring syawin ang sayaw na Tinikling.

Read also

GoFundMe post ng 4th Impact para sa mga aso nila, burado na

Maging ang pagpunta doon ni Anne Curtis ay naging usap-usapan sa social media matapos niyang ibahagi ang picture nila ng anak niyang si Dahlia. Binahagi niya ang ilang litrato nila habang namamasyal sa Bohol. Umani ng mga magagandang komento ang post na ito ni Anne kung saan ibinida niya ang ganda ng Bohol.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel