Ogie Diaz, may mensahe sa mga 'Gen Z' parents: "Wag OA!"

Ogie Diaz, may mensahe sa mga 'Gen Z' parents: "Wag OA!"

- May paalala si Ogie Diaz sa mga Gen Z parents sa pagpapalaki ng mga ito

- Aniya, 'wag sanang maging OA ang mga ito na hindi nagpaparanas umano ng hirap sa mga anak

- Paalala rin niya ang umano'y nagiging reaksyon ng mga magulang na ito maging sa pagdidisiplina ng mga teacher sa mga bata sa paaralan

- Nabanggit niya ito matapos nilang mapag-usapan sa kanyang Showbiz Update channel kung gaano na kabata ang nagiging users ng gadget na may internet

Nagkaroon ng pagkakataon si Ogie Diaz na paalalahanan ang mga magulang na Gen Z sa kung paano nila pinalalaki at dinidisiplina ang kanilang mga anak.

Ogie Diaz, may mensahe sa mga 'Gen Z' parents: "Wag OA!"
Ogie Diaz, may mensahe sa mga 'Gen Z' parents: "Wag OA!"
Source: Facebook

Ito ay matapos nilang matalakay nina Mama Loi at Dyosa Pockoh kung gaano na kabata ang mga Internet users sa panahon ngayon.

Ayon sa kanila, ang paggamit umano ng gadget na may internet ang isa sa paraan ng mga magulang ngayon para mapatahimik ang anak nang sa gayon silang mga magulang naman ay makagawa ng gawaing bahay.

Read also

Alex Gonzaga sa asawa: "Kahit magkahiwalay tonight, tabi parin tayo matulog"

Subalit kaakibat din nito ang umano'y pag-alala sa tamang disiplina sa mga anak nila sa henarasyong ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ang importante lang sa mga magulang sa panahon ngayon, lalo na yung mga Gen Z parents noh, 'wag OA. 'Yung mga natatakot iparanas sa bata yung mga mahihirap na naranasan nila 'nung bata sila. Minsan iparanas din natin. Para alam nila at naiintindihan nila tayo kung bakit tayo ganun sa kanila," ani Ogie.

"Ngayon diyos ko, 'day! Magtaas lang bahagya ng boses ang teacher, diyos ko nakasumbong na sa magulang tapos susugod na 'yung magulang sa school. O kaya magpo-post na magra-rant na sa Facebook. Wala namang dugo na lumabas sa bata. Pinagalitan lang naman," dagdag pa niya.

Gayunpaman, alam niya umanong may mga bagay na dapat isaalang-alang sa umano'y paghulma ng pagkatao ng mga kabataan ngayon.

Read also

Ogie D, nausisa tungkol kina Xian Lim at Iris Lee: "Medyo sweet daw 'yung dalawa"

"E kasi nga ang inaalala, may mental health issues ngayon. So dapat lahat 'yan kino-consider natin."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula Ogie Diaz Showbiz Update YouTube:

Si Ogie Diaz ay isa sa mga kilalang showbiz reporter sa bansa. Isa rin siyang mahusay na komedyante at napanood na sa ilang mga sitcom at pelikula mula pa noong 90's. Sa ngayon, pinakaaabangan ang kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Inspires at Ogie Diaz Showbiz Update kung saan aktibo siyang nagbibigay ng mga balita mula sa mundo ng showbiz.

Kamakailan, tinagurian ng netizens si Ogie Diaz bilang patron ng mga naghihiwalay. Dahil umano ito sa mga naibabalita niya sa kanyang Showbiz Update YouTube channel kung saan makailang beses siyang nagbahagi ng mga espekulasayon ng hiwalayan ng ilang kilalang showbiz couples na kalaunan ay nakukumpirmang totoo.

Sa nasabing channel din niya nabanggit na sa mga susunod na araw, isa umanong singer-actress ang aamin at isasapubliko na siya'y nagdadalang-tao sa kanilang second baby. Ang ama umano nito, bagama't non-showbiz ay kilala na rin ng publiko dahil sa madalas na itong lumabas sa mga vlogs at posts ng hindi pinangalanang singer-actress.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel