Ogie D, nausisa tungkol kina Xian Lim at Iris Lee: "Medyo sweet daw 'yung dalawa"

Ogie D, nausisa tungkol kina Xian Lim at Iris Lee: "Medyo sweet daw 'yung dalawa"

- Naikwento ni Ogie Diaz ang umano'y nakarating sa kanya patungkol kina Xian Lim at Iris Lee

- Natatanong umano siya kung ano ang real score ng dalawa

- Ito ay matapos na ang ilan sa ating mga kababayan ay nakita umano sila sa Thailand

- Nilarawan nilang 'medyo sweet' ang mga ito gayung nakikita umanong magka-holding hands

Sa bagong episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz, nabanggit nito ang nakarating umano sa kanya patungkol kina Xian Lim at producer na si Iris Lee.

Ogie D, ilang Pinoy ang nakakita umano kina Xian at Iris: "Medyo sweet daw 'yung dalawa"
Xian Lim (@xianlimm)
Source: Instagram

Natatanong umano siya ng ilang mga kababayan nating nakakita sa dalawa sa Thailand kamakailan na tila sweet daw ito sa isa't isa.

"'Yung mga Pilipino, meron akong source doon na sila na ba tito Ogie? Kasi magka-holding hands sila madalas. Holding hands while walking. Medyo sweet daw yung dalawa."

Hindi naman daw ito masagot ni Ogie gayung hindi pa rin niya alam umano ang real score nina Xian at Iris.

Read also

Mama Loi sa kasal nina Sam at Catriona: "Nag-postponed hindi nag-cancel"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hanggang sa may nagchika na nga sa akin na mukhang sila na nga raw"
"Ewan ko kung true to ha, kasi sa isang hotel may mga Pilipino rin na naroroon."
"Kung totoong sa isang kwarto lang sila nagstay kasi tinatanong ako e anong isasagot ko, wala naman akong alam."

Gayunpaman, sinabi ni Ogie na tanging sina Xian at Iris ang makakakumpirma ng mga ito. Isa pa, wala umano siyang nakikitang masama sakaling totoo ang nakita ng ating mga kababayan gayung tapos na ang relasyon ni Xian kay Kim Chiu.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.

Read also

Ogie D, sinabing isa umanong singer-actress ang aaming buntis sa kanyang 2nd baby

Bago matapos ang taong 2023, gumulantang sa publiko ang isa pa muling hiwalayan at ito ay ang real-life couple na sina Kim Chiu at Xian Lim. Naging maugong ang pagtatapos ng kanilang relasyon na naunang napansin ng publiko dahil na rin sa mga sagot ni Kim tuwing natatanong nito tungkol kay Xian.

Isa na rito ang aktres na si Maricel Soriano kung saan hayagang nausisa noon si Kim kung kumusta na nga ba ang estado ng relasyon nito sa kanyang nobyo. Hindi pa noon nakukumpirma ng 'KimXi' ang kanilang hiwalayan kaya naman ang sagot ni Kim sa Diamond Star 'naka-hang' daw ang kanyang love life sa panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel