Cherry White, inunahan si Boy Tapang sa Raffy Tulfo in Action

Cherry White, inunahan si Boy Tapang sa Raffy Tulfo in Action

- Dumulog si Cherry White sa programa ni Sen. Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action

- Ito ay para ireklamo si Boy Tapang kaugnay sa aniya'y paninira nito sa kanya sa kanyang live video sa social media

- Ani Cherry White, mabait naman nung una si Boy Tapang pero palagi daw nilang pinag-aawayan ay ang pagseselos daw nito

- Tumanggi na si Cherry White sa pakikipag-ayos kay Boy Tapang at mag-usap na lamang daw ang kanilang mga abugado

Inireklamo ni Cherry White si Boy Tapang sa Raffy Tulfo in Action. Ito ay kaugnay sa aniya'y pamamahiya sa kanya ni Boy Tapang nang mag-live ito kamakailan.

Cherry White, inunahan si Boy Tapang sa Raffy Tulfo in Action
Cherry White, inunahan si Boy Tapang sa Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Kwento niya, pinagbintangan daw siya nito na pina-hack ni Cherry White ang Facebook niya at nagsabi pa itong magpapa-Tulfo siya.

Dahil dito ay ibinahagi ni Cherry White ang screenshot ng message sa kanya. Kasunod nito ay nag-live si Boy Tapang at nagsalita laban kay Cherry White.

Read also

Whitney Tyson, nakwento ang tungkol sa naranasang pambu-bully sa 'Ang Probinsiyano'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Cherry White ang naging karelasyon ng kapwa niya content creator na si Boy Tapang. Si Boy Tapang ay isang content creator na nakilala sa kanyang vlogs kung saan kadalasan ay nag-mumukbang siya ng mga prutas at iba pang pagkain sa kanilang lugar at kakaibang content kung saan wala siyang inaatrasan. Kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit dalawang milyong subscribers sa YouTube at maghigit dalawang milyon din sa Facebook.

Matatadaang inalmahan ni Boy Tapang ang mga naging pahayag ni MG sa kanyang partner na si Cherry White. Ani Boy Tapang, noong una daw ay nag-message si MG sa kanila na gagawa daw siya ng content na pangpa-hype lang. Aniya, nang mapansin daw ni MG na marami ang views ay gumawa pa ito ng isa pang video. Sinabi din ni Boy Tapang na nakikisawsaw daw ito sa isyu nila dahil trending ang issue.

Nagsalita si Boy Tapang kaugnay sa dahilan ng hiwalayan nila ni Cherry White. Sa isang live video naglabas ng maaanghang na salita si Boy Tapang at sinabing binubugbog daw siya ni Cherry White. Umabot pa raw sa puntong pinagbantaan nito ang buhay niya gamit ang patalim. Aniya, may mga patunay siya at handa siyang harapin daw ang dating karelasyon kahit umabot sila kay Sen. Tulfo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel