Whitney Tyson, nakwento ang tungkol sa naranasang pambu-bully sa 'Ang Probinsiyano'

Whitney Tyson, nakwento ang tungkol sa naranasang pambu-bully sa 'Ang Probinsiyano'

- Nabahagi ni Whitney Tyson sa panayam ni Julius Babao na nakaranas siya ng pangbu-bully mula sa isang babaeng artistang nakasama niya sa "Ang Probinsiyano"

- Hindi na niya pinangalanan ang artistang nang-bully sa kanya at napaiyak din daw siya

- Nagsumbong daw siya kay Ara Mina pero kinakasal daw si Ara Mina noong panahon na iyon

- Si Ara Mina daw ang nakasama daw talaga ni Whitney sa kwarto ngunit dahil nga kinasal si Ara ay kinailangan siyang lumipat ng kwarto at nakasama niya ang artistang kanyang tinutukoy

Naibahagi ni Whitney Tyson na naiyak siya sa naranasang pambu-bully ng isang babaeng artista na nakasama niya sa Ang Probinsiyano. Nakwento niya ito sa panayam sa kanya ni Julius Babao.

Whitney Tyson, nakwento ang tungkol sa naranasang pambu-bully sa 'Ang Probinsiyano'
Whitney Tyson, nakwento ang tungkol sa naranasang pambu-bully sa 'Ang Probinsiyano'
Source: Youtube

Naibahagi ni Whitney na nag-umpisa daw ito nang mag-party sila at nalasing. Nasabi niya daw sa direktor nila na mabango ang kanilang direktor at ginawan daw ito ng isyu.

Read also

Cherry White, napagbintangan daw na nang-hack matapos magka-problema ang Facebook

Nirereklamo daw siyang maingay kahit sa simpleng bagay na ginagawa niya kagaya ng pagsisipilyo. Humanap pa daw ito ng kakampi.

Nagsumbong daw siya kay Ara Mina pero kinakasal daw si Ara Mina noong panahon na iyon. Hindi daw siya nasagot ni Ara dahil nga abala siya sa kasal niya kaya sa lobby lang daw siya iyak nang iyak.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakilala si Whitney Tyson sa defunct show na Goin’ Bananas sa ABS-CBN noong late 1980s hanggang early 1990s. Ang kanyang screen name ay mula sa pinagsamang pangalan nina Whitney Houston, isang namayapang singer, at Boksingerong si Mike Tyson.

Matatandaang sa isang panayam sa Rated K, ibinahagi ng komedyanteng si Whitney Tyson ang kanyang karanasan matapos mawala sa showbiz. Simula umano nang mawalan siya ng projects sa pag-aartista, marami siyang pinagdaanang hirap. Ayon pa sa kanya kinailangan niyang tumira sa ilalim ng Nagtahan Bridge sa loob ng 15 taon.

Read also

Boy Tapang, nagsalita tungkol sa paghihiwalay nila ni Cherry White

Pinuntahan ni Ara Mina si Whitney Tyson sa bahay nito para makamusta niya ito. Ang bahay na tinitirhan ni Whitney kasama ang kanyang nanay ay pinatayo niya nang unti-unti matapos ang 15 taon na nakatira sila sa ilalim ng tulay. Sa kanyang pagpasyal sa bahay ni Whitney ay pinapinturahan ni Ara ang bahay ni Whitney. Matatandaang nagkasama sila noong sa FPJ's Ang Probinsiyano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel