Whitney Tyson, tumira ng 15 years sa ilalim ng Nagtahan Bridge nang mawala sa showbiz
- Ibinahagi ng komedyanteng si Whitney Tyson ang naging buhay niya nang mawala siya sa showbiz
- Ayon sa kanya kahit nung magkaroon siya ng bahay, naranasan niyang pagmalupitan ng kapitbahay
- Nais umano niyang makabalik sa showbiz
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa isang panayam sa Rated K, ibinahagi ng komedyanteng si Whitney Tyson ang kanyang karanasan matapos mawala sa showbiz.
Simula umano nang mawalan siya ng projects sa pag-aartista, marami siyang pinagdaanang hirap. Ayon pa sa kanya kiailangan niyang tumira sa ilalim ng Nagtahan Bridge sa loob ng 15 taon.
“Nawalan ako ng show. May nakilala naman akong pulis, dito sa ilalim ng tulay nakatira. So kinausap ko kung pwede dun na lang ako mag-move.”
Ibinahagi niya pa na sinunog ang kanilang bahay ng madaling araw.
“Dito ko lahat naranasan, yung hirap, yung saya, yung sakit. Ang pinakamahirap na naranasan namin dito yung madaling araw na sinunog kami.”
Nang mapadpad naman siya sa resettlement area, kalupitan ng kapitbahay ang kaniyang naranasan.
“Andiyan ang batuhin kami, andiyan ang pati bola binabalibag sa bubong namin, parang inuunti na dini-destroy ang bahay na binigay sa akin. Tapos ang mga dialogue nila, laos ka na!” kwento pa nito.
Ramdam niya ang diskriminasyon dahil sa kulay niya, “Hindi ko naman alam kung ano ang problema nila sa akin. Dahil siguro sa kulay ko. Kasi kami lang ang naiiba ng nanay ko.
Dalawa kaming negra. Nagtaka siguro sila bakit ako nagkaron ng bahay, although karapatan ko naman yun kasi Pilipina ako e,” saad ni Whitney.
Kayod daw ito ng todo sa pamamagitan ng kanyang mga raket kagaya ng paghost sa mga piyesta.“Ang buhay ko parang langgam, kahit walang tulog sugod nang sugod kung san ang schedule namin.
Ayon pa kay Whitney, halos hindi na daw siya natutulog.
Ang tulog na lang namin sa bus or sa service kung may service. Tapos mag-ipon nang mag-ipon, yung mga raining season na, wala nang labasan yan.”
Stay-in siyang nagta-trabaho sa isang videoke bar sa Muntinlupa kapag wala siyang raket. Sinusuportahan niya ang kanyang ina sa gitna ng mga hirap at pag aalipustang kanyang naranasan.
Nais niya daw mabigyan ng isa pang pagkakataong makabalik sa pag-aartista. “Simple lang. Tanggapin muli ako ng producer kahit anong estasyon, bigyan ako ng trabaho,” huling pahayag ni Whitney.
Nakilala si Whitney Tyson sa defunct show na Goin’ Bananas sa ABS-CBN noong late 1980s hanggang early 1990s. Ang kanyang screen name ay mula sa pinagsamang pangalan nina Whitney Houston, isang namayapang singer, at Boksingerong si Mike Tyson.
Tricky Questions: Is Tomato a Fruit?- on HumanMeter
Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer? Find out more in this video.
Source: KAMI.com.gh