Ara Mina, binisita si Whitney Tyson sa pinagawa nitong bahay

Ara Mina, binisita si Whitney Tyson sa pinagawa nitong bahay

- Pinuntahan ni Ara Mina si Whitney Tyson sa bahay nito para makamusta niya ito

- Ang bahay na tinitirhan ni Whitney kasama ang kanyang nanay ay pinatayo niya nang unti-unti matapos ang 15 taon na nakatira sila sa ilalim ng tulay

- Sa kanyang pagpasyal sa bahay ni Whitney ay pinapinturahan ni Ara ang bahay ni Whitney

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang nagkasama sila noong sa FPJ's Ang Probinsiyano

Kinamusta ni Ara Mina si Whitney Tyson sa bahay nito na kanyang pinagawa matapos nilang makaalis sa tinitirhan nila sa ilalim ng tulay noon. Pinapinturahan ni Ara ang bahay ni Whitney sa kanyang pagpasyal.

Ara Mina, binisita si Whitney Tyson sa pinagawa nitong bahay
Ara Mina, binisita si Whitney Tyson sa pinagawa nitong bahay (NET25/YouTube)
Source: Youtube

Sa episode na ito ng programa ni Ara sa Net25 na Magandang Araw, nakwento ni Whitney na 15 taon silang nanirahan sa ilalim ng tulay.

Read also

Jelai Andres, ipinasilip ang kanyang walk-in closet sa kanyang bagong vlog

Kaya naman, nang mapalipat na sila sa relocation site at nabigyan ng trabaho si Whitney ay pinatayo niya ang bahay na tinitirhan niya kasama ang kanyang ina.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ara Mina o Hazel Pascual Reyes-Almarinez sa totoong buhay ay isang aktres at kilalang negosyante sa bansa. Nabiyayaan siya ng anak at noong 2021, ikinasal siya sa businessman na si Dave Almarinez. Binansagan siya bilang "Millennium Goddess" at ginawaran ng FAMAS Award for Best Actress.

Naibahagi ni Ara Mina na ayaw sana niyang pag-usapan ang pagtulong na ginagawa niya kay Deborah Sun na pitong taon nang naninirahan sa kanyang condo. Aniya, nabili niya ang naturang condo noong nasa That's Entertainment pa lang siya at una daw niyang investment iyon. Maliit lang daw ang condo at good for one person lang daw ang studio unit na iyon. Dagdag pa ni Ara, okay lang na doon si Deborah kahit habangbuhay pa raw siya doon tumira.

Read also

Ara Mina, napaiyak si Deborah Sun nang i-prank niya ito na papaalisin sa kanyang condo

Muling nagkita sina Ara at Deborah matapos ang ilang taon na hindi sila nagkikita nang personal. Kahit hindi sila nagkikita ay sinabi ni Deborah na tuloy-tuloy ang pagtulong nito bukod pa sa pagpapatira ni Ara sa kanila sa condo niya. Abot-abot ang pasasalamat ni Deborah at naiyak pa ito habang binabanggit ang kanyang mensahe. Ayon kay Ara, hindi niya pa ito nabibisita sa condo nito simula nang pinatira niya ang mga ito sa kanilang bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel